Chapter 3

327 3 0
                                    

Chapter 3

Clumsiness


Hindi pa rin ako maka get over yung sa kahapon. Yun din ang dahilan ba't ako di nakatulog ng maayos. At eto ako parang zombie na naglalakad dahil walang gana.


"Good Morning Si— What happened sa'yo? para kang nagahasa? Ayusin mo nga yang mukha mo." pagkasabi niya nun nilabas niya sa bag ko yung suklay at siya na mismo nagsuklay sa akin. Nilagyan niya ng unting powder mukha ko.


"wag mong lagyan ng lipgloss." linayo ko yung mukha ko ng lalagyan na niya sana ng lip gloss yung bibig ko. Tinignan lang niya ako ng isang makahulugang tingin pero diko na siya pinansin.


Pumasok na kami sa classroom para hintayin yung prof namin. Tahimik akong nagbabasa ng wattpad sa tab ko ng nag ingay yung classmate kong kababaihan.



"Good Morning Chanyeolllll!" masiglang bati ni Candy. Pinigilan kong wag lumingon nanhihiya pa rin ako sa kahapon.


"Good morning din Candy." Ramdam ko yung pagngiti niya at si Candy naman ayun nangisay sa kilig.


Tss. pa'fall si kuya >3< napapitlag ako ng may sumundot sa tagiliran ko at sinamaan ng tingin si Stacey tapos ngumuso. Nilingon ko yung nginuso niya at sa gawi nito si Chanyeol na nakaupo, nakatingin sa akin at nakanguso. Inirapan ko lang siya at bumalik na ulit sa pagbabasa. Kinukulit kulit ako ni Stacey pero pinasak ko na lang yung earphone sa tenga ko. Trying to ignore the world.


Tinago ko na yung mga gadgets ko at tumahimik na din ang klase kasi dumating na yung prof. The usual, nagbigay lang siya ng module at ayun kwentuhan then inend niya na yung klase ng mas maaga.


"Hoy sunget." Napatalon ako sa gulat at inis na humarap sa tumawag sa akin galing sa likuran ko.


He's standing so close to me at nakaharap ako sa dibdib nitong matipuno. Sobrang tangkad pala niya? Nakaheels na ako neto ng 3 inches ah. Tinaas ko yung tingin ko at lumayo sa kanya.


"Problema mo po?" maalumanay na tanong ko.


"Kung maka 'po' naman to. Nakakahurt ah." Malandi ba itong lalaking ito? Dahil kung nilalandi niya ako mapapatay ko siya ng wala sa oras.


Dahil sigurado ako at manggugulo lang ito ay tinalikuran ko na siya. 'Qwerty." Dahil narinig ko na naman yung pangalan kong nakakainis hinarap ko na siya.


"Wag mo nga akong matawag tawag na Qwerty. Sophie or Sophia na lang please?" ani ko at talagang nag please pa ako sa taong ito?


Ngumise siya "Eh kung ayaw ko?" nag pout ako. sana naman tumalab yung pacute effect ko. pero diyahe tinawanan lang ako tsaka ginulo yung buhok ko.


"Ang cute kaya nung Qwerty na name mo. napaka unique." Aniya. Diko siya pinansin at nagtuloy lang ako sa paglalakad patungong canteen. Bibili ng makakain dahil gutom ako at di ako nagumagahan.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon