Chapter 45

165 2 0
                                        

Chapter 45

She quit


Gaya nga ng inaasahan ko ngayong official na kami ni Chan sinundo niya ako sa bahay. Sinabi ko na din kay mama pati kina Kuya na kami na. Sinabihan lang ako ni Mama na mag aral muna bago gagawa ng anak! Naku naman! Pulang pula yung mukha ko! at si Chan natawa lang. Sina kuya binalaan nila si Chan. Huk! Ang hirap talaga pag super sila sa strikto. Pero okay na din kasi tanggap naman nila at okay naman kina Mama. I also texted my father at pina alam na din. Pero wala pa namang reply. Baka tulog payun.


Napatingin ako kay Chan ng hawakan niya yung kamay ko at hinalikan. 'Chan nagdi'drive ka po." Binawi ko yung kamay ko. ngumuso siya kaya umirap ako.


"Naglalambing lang eh." nakanguso pa rin siya.


"Mamaya ka na maglambing."


"Sabi mo ah? Sasagarin ko." binatukan ko siya kaya natawa siya.


Ng makapasok na kami sa loob ng school at pinark na ni Chan yung sasakyan bababa na sana ako ng hilahin niya ako pabalik upang halikan sa labi. Biglang tumigil yung tibok ng puso ko. Oh please! Nasa school kami!. Siya na rin yung unang kumawala. Ngiting ngiti ito sa labi. Lumabas na siya at naiwan ako sa loob.


"take two?" sinapak ko siya. tumatawa siya habang hawak hawak yung pintuan ng sasakyan at inaalalayan akong bumaba.


"Kinikilig oh. Hahaha. Gustong gusto yung halik ko." Aniya. Kinurot ko siya.


Napadaing ito at ako naman yung tumawa. Nauna akong naglakad sa kanya kaso hinila niya ako para magsabay kaming maglakad. Ngayon magkasabay na kaming naglalakad habang magkahawak ang kamay. "Naadik ka na sa labi ko ah." Tukso ko sa kanya. mas hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko.


"I'm addicted to you." Huminto siya sa paglalakad pinaharap ako sa kanya. hinawakan niya yung isa ko pang kamay. Matangkad ako sa height kong 5'3 pero nanliit ako sa height niya. sobrang tangkad niya na tinitingala ko siya.


He's eyes sparked. "I'm addicted to your scent." Inamoy ako. napapitlag ako sa ginawa nito. For goodness sake! Nasa gitna po kami ng parking lot. At open ang parking space ng school. Baka makita kami ni dean o ng student council o ng sinumang teachers jan eh. "Your eyes." Hinalikan niya yung mata ko. "Your nose." Hinalikan niya yung ilong ko. "Your lips." He kissed me. smack. "And of course to you." Sabay yakap sa akin ng sobrang higpit.


Jusko! PDA! Nag P-PDA kami which is mahigpit na pinagbabawal sa school namin. Okay lang naman daw pag magkasama ang mag couple basta lang walang yakapan at halikan na ginagawa pag nasa loob ng campus! And we're violating the rules. "C-Chan... baka makita nila tayo." Tinulak ko siya ng mahina pero mas humigpit pa siya sa pagkakayakap sa akin. "I don't care about the rules, Qwerty. All I care about is you. You and you." Dina ako umimik. Pinabayaan ko na lang. Dinamdam ko na lang yung moment na magkayakap kami.


**


"Sophie! May problema tayo!" napatingin ako kay Jones na siyang kakalapit lang. umupo siya sa upuang nasa harap ko. nandito kami ngayon sa cafeteria.

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon