Chapter 2
His Scent
"Shiiizzzzz!" Stacey hugged me at sinayaw sayaw pa ako. tapos dumagdag sa yakap yung barkada ayun naging group hug.
"Can't believe it! Napapayag talaga natin si ma'am na tayo yung magkakabatch sa baking." Masayang sabi ni Lexy.
Sinuyo kasi namin si ma'am na ilagay sa iiisang batch kaming magbabarkada at dahil mabait siya ay nalagay kami sa batch 1. Huhu! Kaya every Monday eh kami yung maglalab. May limang nadagdag lang na di kabilang sa barkada. At kasama na dun si Chan. >_<
"Sa Monday be ready sa research niyo. Ah wait. Tutal naman na group ko na kayo as batch eh igu'group ko kayo into 7 with 2 members each." Nakangiseng sabi ni ma'am tumang tango kaming batch 1 yung batch 2 ayun umuwi na. huhu. Ang swerte nila.
"Stacey at Hanne." Tawag ni ma'am napatili yung dalawa.
"Mommmyyy!" ayun tuwang tuwa si Stacey. Magaling kasi si Hanne. Isa sa mga nage'excel sa klase.
"Leondelle and Kit." Napatingin ako sa kanila at yung ngiti ni Kit abot hanggang ewan. Malandi talaga. hahaha nakita kong umirap si Leon kay Kit. Hahaha.
Nagpatuloy si ma'am sa paggo'group pero dipa natatawag pangalan ko. sana po. Sana po diko siya maka partner. Please????
"So apat na lang yung wala pang group?" sabi ni ma'am sabay tingin sa aming lahat. 'Sino sino pa sila?" tanong niya. tinaas ko yung kamay ko tsaka yumuko.
Nakikita ng peripheral view ko na nakangiseng yung mga barkada ko tapos may sinasuggest sina Hanne. Putag ina niyo lang talaga pag ako di makapag concentrate sa pagbe'bake at mabagsak isasama ko kayo! HUHU
"Ken and Liza. Sophia and Chanyeol." Pagkabanggit na pagkabanggit ni ma'am eh napa angat ako ng tingin at tinignan si ma'am na parang nagmamakaawa.
Ngumise lang ito. Tsaka tinignan si Chanyeol na naka poker face na hindi nakatingin sa akin. I'm dead. Kung sino pa kasi yung gusto mong iwasan mas lalo ka pang lolokohin ng tadhana.
"Tapos na klase mcdo tayo?" yaya ni Ash. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Seryoso Ash? Pwedeng bukas na lang? Iaabot ko na lang sa bahay itong gutom na nafe'feel ko." sabi ni Stacey. Tumango naman sila.
"Guys may kukunin lang ako sa library. Mauna na kayong umuwi, uuwi na din naman ako pag natapos ko na yung gagawin ko." paalam ko. nagtinginan sila tapos ngumiti at ayun nauna na silang lumabas. Tumalikod na ako at nagtungong library. Kelangan ko ng umpisahan yung research. Para dina ako mamroblema sa weekend.
Nag scan ako ng culinary books, magazine na puro baking at sinulat lahat nung mga importanteng bagay sa notebook ko.
Napa'angat ako ng tingin ng may naglagay ng frappe sa harapan ko. napalunok ako dahil andito siya saharap ko mismo. Ngumiti siya tapos umupo sa harapan ko. relax Sophie. Tao lang yan. Sanay ka namang nakikihalubilo sa mga lalaki diba? Huhu
"Hi." Nakangiting bati nito na kita mo yung pantay at mapuputing ngipin.
Ngumit din ako pero hindi ako makapagsalita. Umurong bigla yung dila ko eh. Tinulak niya yun frappe palapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Inumin mo. mukhang uhaw na uhaw ka na." sabi nito. Napalingon ako sa paligid. bawal pagkain dito sa loob ah bakit ito nagpuslit ng pagkain dito?
"Don't worry pati sina ma'am binigyan ko." sabi nito. Ehh? Akala ko pa naman ako lang binilhan niya? Ay ngek? Umasa teh? >_<
"A-ahh. Hehe s-salamat." Nahihiyang sabi ko. pero pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko.

BINABASA MO ANG
His Promise
Teen FictionHe promised me forever. He promised to love me eternity. He promised me happiness. He promised me the world. Will these promises meant to be fulfilled or meant to be broken? - Sophia Qwerty Kohler VOTE. COMMENT. SHARE. Thank you -Jeiara-