Chapter 42

166 3 0
                                        

Chapter 42

I'm Scared


After naming kumain nagdesisyon kaming mag movie marathon na kaming tatlo nina Chan at Aly. Agad kaming nagtungo sa movie room nila at agad na namili na panonoorin. Aly chooses Fifty Shades of Grey pero umayaw si Chan. Masyado pa daw bata si Aly para manood ng ganun. Hindi naman ganun kalaswa sa movie eh. nakakakilig kaya. Pinanood kasi naming magbabarkada yun noon. :D


"Ito na nga lang Just My Luck." Aniya at sinalang na ang disk sa player.


Tahimik kaming nanonood. Nakahiga sina Chan at Aly sa kama. Ako naman magi sang nakahilata sa sofa.


Nasa may kalagitnaan na kami ng movie ng maramdaman kong umupo sa sahig tabi ng sofa si Chan. Nilingon ko siya kaso wrong move. Nakatingin din kasi ito sa akin. Binalingan ko si Aly baka kung anong isipin nun kaso ayun himbing na himbing na sa pagtulog. Lakas mag aya mag movie marathon  siya pala unang mana knock out.


"You're enjoying the movie." Aniya. Nakanguso ito at tila nagseselos. Natawa ako sa reaksyon niya.


"I am more than a good kisser than that man." Sinapak ko siya. ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?


Yung movie kasi eh kapag naghalikan sina Ashley at Jake eh nagkakapalit sila ng luck. Pag si Ashley yung ma swerte ngayon tapos bigla siyang nahalikan ni Jake eh magkakabaliktad ang sitwasyon. Mamalasin si Ashley at suswertehin si Jake.


"Manahimik ka jan!' suway ko. natawa lang ito.


"Inaantok ka na?" tanong nito sa akin.


Umiling ako. Patatapusin ko na muna ang movie bago ako matulog malapit na din namang matapos.


"Gisingin mo na si Aly. Or dito na siya matutulog?" tanong ko kay Chan. Umupo ako at nag unat. Tapos na ang movie. Saktong alas diyes.


"Matutulog na lang siya dito. tara?" lumabas na kami ng movie room nila at nag tungong kwarto namin.


Papasok nasana ako sa loob ng magsalita si Chan. "Good Night, Qwerty. Dream of me." diko na tuloy napigilan ang pag ngiti ko.


"Good night, Chan." Sabi ko bago ako pumasok ng kwarto.


Pagkahiga ko sa kama ay sakto naman ang pagbuhos ng malakas na ulan. Sinamahan pa ng kulog at kidlat. Umayos ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. Jusko naman! Anong gagawin ko? Pag ganitong kumukulog at kumikidlat eh nandoon ako sa tabi ni Mama. Takot talaga ako sa kulog.


"Mama..." pinipigil ko ang sarili kong wag umiyak. Ayokong masabihan na OA. Pero takot nga ako eh! takot ako sa kulog at kidlat!


Dahan dahan akong tumayo binalot ko ang katawan ko gamit ng comforter. Nanginginig na nagtungong pintuan. Isa lang ang alam kong makakapagpakalma sa akin ngayon. It's Chan.


Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ni Chan ay agad akong nakaramdam ng hiya. Baka tulog na ito. Nakakahiya naman pag gigisingin ko pa.


Kkrruuuggg!


Napatakip ako ng bibig ko para hindi ako mapasigaw. Nanginginig ang kamay kong kumatok. Naka isang katok palang ako ng bumukas na ang pinto. Bakas sa mukha ni Chan ang gulat at pag aalala.


"Q-qwerty?" aniya.


Hindi na ako nag isip pa ng tama o mali basta ang ginawa ko na lang sa mga oras nayun ay ang yumakap sa kanya at umiyak. Sa pagkakataong ito hindi na ang kulog ang naririnig ko kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko pati ng kanya. Para bang may marathon na nagaganap sa dibdib ni Chan ganun din sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Chan sa likod ko, hinahagod ang likod ko at pinapatahan. Comforting me.


"Shh. Don't cry, Qwerty. I'm here okay? Nasa tabi mo lang ako. Hindi kita iiwan. Wag ka ng matakot." Aniya.


Kumalas na ako ng yakap at yumuko. "S-sorry."


"It's okay." Hindi ko pa rin siya matignan sa mata. nakayuko pa rin ako.


"C-can I sleep here tonight? I'm scared..." Kinagat ko ang ibang labi ko.


Naramdaman kong natigilan siya. I looked up and met his gaze. "B-but..."


"Please?" I know he's hesitant but at the end pumayag din siya.


Malaki naman ang kama niya. humiga na ako sa right side at sa may left side siya nahiga. Agad akong napatakip ng tenga ng bigla na namang kumulog.


Naramdaman ko yung paglapit niya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. Bigla niyang pinatong yung palad niya sa kamay kong nakatakip sa tenga ko.


"Sleep comfortably, baby. I'll cover it for you." Aniya. Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa tenga ko at siya na yung nagtakip ng tenga ko.


Kahit na na a-awkward'an ako sa posisyon namin agad naman akong nakatulog. I can feel that I'm always safe at his arms. I'm always safe with Chan. It feels like home when I'm with him.


--

Note: Thank God we're safe sa pananalanta ni typhoon Egay. Okay lang ba kayo guys? :) Akala ko maiiwan ko ng ON GOING forever itong His Promise na sana naman wag mangyari. :3 -__-

 Okay. So, sinabi ko sa last update ko na di ako makakapag UD this week. Pero kasi wala naman kaming klase simula pa kahapon, at bumalik ulit ang current namin at dahil super boring na edi nag update na ako. VOTE. COMMENT. SHARE. 


PS: Ito na talaga. Baka next week na ulit ang next update. Ciao~ ^___^ 

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon