Prologue

1.9K 82 35
                                    

"Dito sa akin...dito mo ihagis!" ang sigaw ni Divino habang tumatakbo ito. Hapon na ang oras na iyun para sa kanilang paglilimbang basta natapos na ang kanilang mga tungkulin sa araw na iyun.

At sa pagkakataon na iyun ay nagdesisyun silang magkakaibigan na maglaro ng tamaan tao.

Ibinato ng kaibigan niya ang bola na kaniyang nasalo at mabilis na ibinato iyun ni Divino sa kalaban na koponan para tamaan ang isa sa miyembro nito hanggang sa maubos ang mga ito.

At malakas na tawanan at asaran ang narinig sa magkakalaro nang may kumuha ng atensiyon ni Divino. Lumingon ang kaniyang mukha patungo sa direksiyon ng building ng ampunan at doon ay nakita niyang tumatakbo palabas ng pintuan si Alessia. Ang isa sa mga batang katulad niya ay lumaki na sa ampunan. Ang kaiba lamang nila ni Alessia ay nakilala pa niya ang kaniyang mga magulang na namatay sa isang sakuna habang si Alessia naman ay ipinanganak nang hindi nakilala ang mga magulang at sanggol pa lamang ito nang dalhin sa Infant Jesus Orphanage.

At si Alessia ay naging malapit na sa kaniya. Magkakapatid ang turingan nilang lahat sa loob ng ampunan ngunit si Alessia ay ang pinakamalapit sa kaniya sa lahat dahil sa siya ang unang nakakita rito sa kumpol ng mga puno sa labas ng ampunan . Kaya naman siya na ang tumayong kuya nito at naramdaman niya na kailangan niya itong protektahan.

Kaya naman mas espesyal ang pagtrato niya kay Alessia at kilang-kilala ang mga kilos at gawi nito. At mula sa kalayuan sa kanilang malapad na palaruan ay napansin na niya sa pagtakbo ng mga binti nito at taas nitong mga balikat na gusto nitong umiyak.

"Divino! Ano na?!" ang sigaw sa kaniya ng mga kaibigan na halos kasing edad niyang fourteen years old.

Tumango siya sa kaibigan, "Kayo muna!" ang kaniyang sagot sabay haggis niya ng bola sa mga kaibigan at saka siya dali-dali at patakbong sumunod kay Alessia na alam na niya kung saan patungo. Sa paboritong lugar nito sa tuwing ito ay nag-iisip o nagmumukmok. At may ideya na siya kung bakit ganun ang iginagawi ni Alessia.

At naabutan niya nga ito sa likod ng mga puno at halaman. Nakasandal ang munting likod nito sa katawan ng malaking puno at nakasubsob ang mukha nito sa mga tuhod nitong nakadikit sa manipis nitong dibdib. At mababakas sa pag-alog ng mga balikat nito na ito ay lumuluha.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at tahimik niya itong nilapitan at pabagsak siyang naupo sa tabi nito. At kaniyang inilapat ang kaniyang palad sa likod nito.

"Bakit ka umiiyak?" ang tanong niya kahit pa alam na niya kung bakit.

Hindi agad sumagot si Alessia at nanatiling nakasubsob ang mukha nito sa sariling mga tuhod habang umaalog ang mga balikat nito.

Hinayaan muna ni Divino na lumuha si Alessia hanggang sa maibuhos na nito ang bugso nito ng emosyon. At ito na ang unang nagbukas ng nararamdaman nito.

"Si...Si Rose...aalis na siya," ang lumuluha nitong sambit. May umampon na kasi sa kaibigan at kasama nito sa silid na si Rose.

Hinagod ng kaniyang palad ang likod ni Alessia at ang likod ng ulo nito.

"Alessia, ito ang oras para mapabilang si Rose sa isang pamilya, kaya nga tayo nandito sa ampunan para...mahanapan tayo ng mga magulang na tatanggapin tayo."

Humikbi si Alessia at iniangat nito ang mukha mula sa pagkakasubsob nito sa sariling mga tuhod at iniharap nito ang basang mukha nito sa kaniya.

"Pero bakit ako? Magwawalong taon gulang na ako...wala pa ring gustong umampon sa akin...saka...palagi ko naman iyung ipinapanalangin na makakita sina sister Maricel ng mga magulang na kukupkop sa atin, sa ating lahat, lalo na sa iyo kuya pero...bakit hanggang ngayon? Walang may gusto sa akin?"

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon