Chapter 15

562 48 21
                                    

"Divino!" ang masayang bati sa kaniya ni Emeraude na sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

Ikinulong niya ito sa kaniyang mga bisig at siya ay gumanti rin ng mahigpit na yakap sa kaibigan na nagmula sa ibang grupo. Ni hindi pumasok sa kaniyang isipan na magiging kaibigan niya ang isang miyembro ng Aguilas kahit pa isa na itong tiwalag katulad ng napangasawa nitong Kirkland.

"Oops hindi na kita masyado mayakap, baka maipit ang tiyan mo," ang kaniyang sabi kay Emeraude na marahan siyang itinulak papalayo para kumawala sa kaniyang pagkakayakap.

Nakangiti itong tiningnan siya at napansin niya ang pamumula ng mga pisngi nito.

"Naku, napaparami na kasi ang anak namin," ang sagot nito sa kaniya.

"Ilang buwan na?" ang kaniyang tanong. Iginiya siya ni Emeraude papasok sa loob at sa malaking salas ng mga ito para doon sila maupo.

"Six months, at kambal na naman," ang sagot nito sa kaniya, "kaya naman magiging lima na anak namin."

"Para raw hindi ako makawala," ang sabat ni Rauke na naupo sa tabi ni Emeraude at inakbayan ito.

"Asus," ang kunot noo na sagot ni Emeraude sa asawa na bahagya nitong siniko.

Hindi niya napigilan ang ngumit habang pinagmamasdan niya ang dalawa. Matagal man na mag-asawa ang dalawa ay hindi kumupas ang sweetness ng dalawa. Naalala niya kung paanong naging masalumuot din ang naging love story nang dalawa bago nagkatuluyan ang mga ito.

He tried to helped them sa paraan na kaya niya. Ngunit ang natatandaan niya ay si Gold ang tumulong sa mga ito para makalabas sa panganib sa kamay ng sariling grupo.

"Oo nga pala Divino, may kailangan ka raw sa akin kaya mo kami sinadya?" ang tanong nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo, "yes, I was hoping that you could help me reach...Gold."

And the moment he said her name ay sabay na napaatras ang ulo nina Emeraude at Rauke nang dahil sa gulat.

"Gold?" ang sambit ni Emeraude.

"Bakit?" ang tanong naman ni Rauke.

Ang sabay na tanong ng dalawa sa kaniya. Tumango muli ang kaniyang ulo para igiit na tama ang sinabi niyang pangalan.

"Gusto ko kasi na makausap siya, tungkol sa mga nangyari nitong nakaraan na mga linggo. At kaniyang inilahad ang mga nangyari patungkol sa involvement ng ilan niyang kagrupo kay engineer Troy Leopold na pumatay sa ilang kagrupo ni Gold.

"Gusto ko sana na maipaliwanag sa kaniya na...walang kinalaman ang aking buong grupo sa mga pagpatay at hindi niya kailangan na gumanti, bagkus, bigyan niya ako ng pagkakataon na malaman kung sinu-sino pa ang involved sa binuong grupo ni Troy at kung sino ang kumausap rito para mapaniwala ito na isa siyang Branco di Lupi."

"Ginamit siya ganun?" ang tanong ni Rauke at tumango ang kaniyang ulo bilang sagot.

Napabuntong-hininga si Emeraude, "actually nagpunta nga siya rito noon at sinabi nga niya na...may inaasikaso siyang kaso iyun nga yung tungkol sa Leopold, at...sinadya niya rin ang Pilar lalo na ang Pedrosa para malaman pa nito ang tungkol kay Eduardo at mga Vasquez."

"Patay na siya." Ang sagot ni Divino. At nakita niya ang pagkabigla sa mukha ng mag-asawa.

"Si Gold ba ang maygawa?" ang tanong ni Rauke. At hindi niya masagot ang tungkol sa bagay na iyun.

"Hindi ko alam." Ang kaniyang pagsisinungaling.

Tumango si Emeraude at mababakas ang kalungkutan sa mukha nito at mahina man ay napansin niya ang buntong-hininga nito.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon