Tiningnan ni Alessia ang kaniyang sarili sa harapan ng salamin sa loob ng kaniyang silid. Wala na siyang iba pang dress na puwedeng isuot para sa gabi na iyun dahil sa biglaan ang lakad na iyun.
It was a dinner date sa isang hotel na hindi pa niya napupuntahan. It was very seldom na magtungo siya sa isang hotel reastaurant para lang kumain.
She grabbed a plain burgundy colored maxi dress na abo tang haba sa kaniyang ankle. Mahaba man ang dress na kaniyang suot ang top naman nito ay halter ang estilo, that showed a great amount of skin on her shoulders, arms, and back and the cinched high waist accentunated her breasts. At saka niya tinernuhan ng flat nude color sandals ang kaniyang damit.
She doesn't know kung appropriate ba sa isang dinner date ang kaniyang suot per sa pagkakataon na iyun ay wala na siyang oras na mamroblema at wala na rin naman siyang oras para makapamili.
At katulad nang nakaugalian ay hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang hanggang balikat na buhok. At nilagyan din niya nang kaunting kulay ang kaniyang mukha kaiba sa kaniyang nakasanayan. She put bronze colored eye shadow into her eyelids na nagpalitaw pang lalo ng kulay gray niyang mga mata. Then she swiped a nude color lipstick on her lips para maging focal point ng kaniyang mukha ay ang kaniyang mata.
She sprayed perfume on her wrists at saka niya hinintay ang kaniyang sundo na hindi naman siya pinaghintay nang matagal dahil pagkababa niya ng hagdan ng bahay patungo sa salas ay narinig na niya ang mga pagkatok sa pintuan.
Hawak ang kaniyang bag at naglakad siya palapit at kaniyang binuksan ang pinto at bumati sa kaniya ang kaniyang date na si Gerardo. He was wearing a plain white polo shirt na binagayan nito ng tight fitting jeans at kulay puti rin na sneakers.
At sa palagay ni Alessia ay nagtugma naman ang attire nila ni Gerardo.
"Ready? Miss Alessia?" ang tanong ni Gerardo sa kaniya.
Tumango ang kaniyang ulo, "oo." At saka siya humakbang palabas pagkalock niya ng pinto ng kaniyang bahay. At saka siya iginiya nito palapit sa naghihintay nitong kulay itim na motorsiklo.
"Uh okey lang ba na motorsiklo lang ang sasakyan natin ngayon?" ang tanong nito sa kaniya, "hindi ko na kasi nakuha yung sasakyan ko...naubos ang oras ko sa paghahanap ng damit."
"No it's okey," ang kaniyang sagot.
"Here is your helmet, and...you look beautiful by the way," ang nahihiyang sabi ni Gerardo sa kaniya.
Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi, "thank you."
Tinulungan siya nitong makaangakas sa motorsiklo at ilang sandali pa ay binabagtas na nila ang daan patungo sa Southern Italian Hotel kung saan ang pakay nila ay ang magtungo sa restaurant ng hotel at mag-dinner.
Hindi nagtagal at binagtas na nila ang magarbong lobby ng hotel at nang magtanong sila ay sinamahan sila ng isa sa mga empleyado ng hotel patungo sa restaurant nito.
At sa bungad ng makintab na salamin ng pintuan ng restaurant ay isang host ang bumati sa kanila.
Tinanong sila kung mayroon silang reservation at dahil nga sa biglaan ang lakad na iyun ay wala silang napareserved na lamesa. Mabuti na lamang at hind busy ang gabi na iyun kaya naman mayroon pang lamesang bakante na naibigay sa para sa kanila ni Gerardo.
Gerardo is a gentleman. Marahan nitong inilapat ang palad nito sa kaniyang likod habang naglalakad silang nakasunod sa host na naghatid sa kanila sa kanilang mesa.
Naupo si Alessia sa silyang hinila na para sa kaniya ng host at si Gerardo naman ay naupo sa kabilang bahagi ng mesa sa kaniyang harapan. Pagkatapos nilang magpasalamat ay iniwan na sila ng host at sinabing darating ang waiter sa kanilang mesa para bigyan sila ng menu.
![](https://img.wattpad.com/cover/347418699-288-k57327.jpg)
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...