Chapter 53

654 49 24
                                    

Anak siya ni Secretary Lorenzo? Si Uno? Ang gulat na sabi ng kaniyang isipan.

"Nagulat ka ba?" ang mayabang na tanong ni Cashmere sa kaniya at naglakad ito palapit kay secretary Lorenzo na tumayo na sa kinatatayuan nito.

"Uh medyo," ang kaniyang sagot na may kasamang pagkibit ng kaniyang mga balikat, "akala ko kasi noong una pinulot ka lang sat ae ng kalabaw pero may tatay ka pala."

Tumikom ang mga labi ni Cashmere at alam nito na hindi siya nito kayang insultuhin o saktan sa mga salita lang. Pinalaki siya ni señor Cabello na hind imaging balat sibuyas. Kay Divino at tungkol lamang kay Divino siya nakakaramdam ng sakit sa kaniyang dibdib.

Isang pagsingasing ang kaniyang pinakawalan at saka siya ngumisi, "well...hindi naman na nakakagulat iyun, kung ugali kang demonyo siguradong demonyo rin ang tatay mo," ang kaniyang sagot. At nakita niyang nabura ang ngiti sa mga labi ni Cashmere.

"Mukhang pati sa impiyerno ay aagawan niyo pa ng trono si Satanas, siguro ngayon pa lang ay nagdadalawang-isip na si Satanas kung patutuluyin ba kayo sa impiyerno, but surely hindi sa langit ang punta ninyong dalawa, maybe...gawin na lang niya kayong mga tae para magkaroon kayo ng silbi at maging pataba sa lupa."

"Fuck you!" ang sigaw ni Cashmere at isang mahinang tawa ang kaniyang isinagot.

"Alam ko naman na idinadaan mo lang sa salita ang takot mo Gold, takot ka para kay Divino." Ang sagot ni Cashmere sa kaniya.

"Manghuhula ka na rin ba ngayon? O psychiatrist? Bakit di mo unahin iyang tinatawag mong tatay." Ang sarkastiko niyang sagot.

Pinalagpas iyun ni Cashmere at pinuntirya na nito si Divino. "Naalala mo ba noong, magising si Divino na patay na si Carlissa?" ang pagpapaalala sa kaniya nito.

"Ako nga pala ang pumatay sa kaniya. I was waiting all along sa may labas ng veranda," ang paglalahad nito sa kaniya.

"Alam mo bang...sarap na sarap si Divino kay Carlissa? Anong pakiramdam na may ibang babaeng pinagparausan si Divino? Does it hurt knowing that Divino fucked another woman?" Ang hamon na tanong nito sa kaniya.

Hindi alam ni Cashmere ang ginawa nila ni Gerardo noong gabing iyun. Iyun ay isang pagkilos na tanging sila lamang ni Gerardo ang nakakaalam kaya hindi alam nina Noah na may nakatagong audio transmitter sa ilalim ng mesa dahil hindi iyun alam ni Cashmere.

"Hindi ako nasaktan Cashmere," ang kaniyang mayabang na sagot at ngumisi ang kaniyang mga labing unti-unti nang nawawalan ng kulay.

"Actually, I was flattered nang marinig ko ang audio nina Divino at Carlissa sa kuwarto noong gabing iyun, Divino was thinking that I was Carlissa, he said my name...I was the one he was fucking on his imagination." Ang kaniyang sagot at pinaningkitan siya ng mga mata ni Cashmere.

"Paano ko nalaman?" ang kaniyang tanong dito. "I planted an audio transmitter sa ilalim ng lamesa ni Divino." At doon niya nakita ang gulat sa mga mata ni Cashmere.

"Surprise! Surprise!" ang nakangisi niyang sambit, "mabuti na lang at hindi namin ipinaalam ni Gerardo sa iyo kundi...wala ngayong hawak na ebidensiya si detective Atlas na magpapatunay na inosente si Divino, he was framed."

Nakita niyang kumurap-kurap ang mga mata ni Cashmere at halata ang galit sa mukha nito dahil sa naisahan na naman niya ito.

"Kaya hinding-hindi mo ako mapapantayan Cashmere." Ang mariin niyang sambit.

"Hindi na importunate iyun...dahil patungo na si Divino sa kaniyang kamatayan at ikaw ang magiging dahilan." Ang sabat ni secretary Lorenzo.

"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan ninyong makisawsaw sa Branco para pabagsakin si Divino, ganun ka na ba kaiingit sa kaniya?" ang tanong ni Gold kay secretary Lorenzo.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon