Chapter 20

549 39 19
                                    

Hindi naitago ni Divino ang kaniyang pagkabigla nang sandaling naramdaman niya ang bisig ni Alessia na umikot sa ilalim ng kaniyang dibdib. Alam niyang kinailangan nitong kumapit sa kaniya upang hindi ito mahulog sa kaniyang pagpapatakbo. Pero bakit kakaiba ang kaniyang nadarama? Ang tanong niya sa kaniyang sarili nang nakaramdam siya ng kaba sa kaniyang dibdib.

His senses were alerted lalo na nang maramdaman niya ang mga hita nitong kumikiskis sa gilid ng kaniyang mga hita. At kahit pa nakasuot siya ng maong na pantalon ay ramdam pa rin niya ang balat ng mga hita nito sa kaniyang mga hita.

O nagiging wild lang ang imahinasyon niya and his mind and senses were getting out of control? At ramdam niya ang paghinto nang kaniyang hininga nang maramdaman na niya ang dibdib ni Alessia na lumapat sa kaniyang likod.

He could feel her full breasts pressed against his back at kahit pa ilayo, pilit niyang ilayo ang kaniyang isipan sa kaniyang nararamdaman ay hindi niya magawa. Dahil sa tila ba humiwalay at hindi na nakikisama ang isipan niya sa iba pang parte ng kaniyang katawan. At ang mga palad nito ay lumapat sa kaniyang mga dibdib at trinaidor siya ng kaniyang mga nipple na nanigas at kumiskis sa manipis na tela ng kaniyang kamiseta.

At nang sandali na iyun ay tila ba inapuyan siya ng lagnat at malapit na siyang magkumbulsiyon. No! mali ito! Hindi niya dapat ito maramdaman lalo pa at tila kapatid na niya si Alessia.

Marahil dahil sa matagal siyang naging celibate kaya siya nakakaramdam nang ganito kahit pa kay Alessia na itinuturing niyang kapatid.

Hindi pupuwede. Hindi na pupuwede!

Napalunok siya at bahagya siyang umiling para mabura ang nasa kaniyang isipan. He pushed the tinted vizor of his helmet. Kailangan niyang makasagap ng hangin para mabura ng hangin ang makamundong nararamdaman ng kaniyang katawan.

"Malayo pa ba?" ang narinig niyang tanong ni Alessia sa kaniyang likuran. At kung bakit ba pati boses nito ay tila humahaplos sa kaniyang balat. It was full, husky, and sexy.

Shit, ang bulong ng kaniyang isipan. At sandaling pumikit ang kaniyang mga mata. Mukhang hindi nakatulong ang hangin na linisin ang kaniyang nararamdaman at naiisip.

He was planning to take a drive sa mataas na siyudad na may overlooking view. Pero sa hindi magandang nararamdaman niya at naglalaro sa kaniyang isipan nagplano siyang sa may malapit na coastal road na lamang sila magtungo ni Alessia.

"Sa coastal road okey lang ba?" ang kaniyang sagot.

"Kahit saan basta, makakapag-usap tayo," ang narinig niyang sagot nito, "iyun naman ang pakay mo sa akin hindi ba?"

Oo iyun nga. Ang sagot ng kaniyang isipan. Nagpatuloy pa sila sa pagbagtas ng daan at hindi naman nagtagal ay narrating na nila ang coastal road sa metro.

Itinabi niya ang kaniyang motorsiklo at inalis niya ang suot niyang helmet. At tinulungan niyang makababa ng kaniyang motorsiklo si Alessia at alisin ang suot nitong helmet.

"Sa susunod ako na ang iaangakas mo," ang kaniyang nakangiting sabi kay Alessia.

Mabilis na umiling ang ulo ni Alessia, "not gonna happen, takot nga ako mag-drive ng four wheels ito pa kayang dadalawa lang ang gulong? Alam mong hindi ako marunong magbisikleta magmotor pa kaya?"

Mahina siyang natawa, "try mo lang, kahit mag-start."

"Uhm," ang sambit ni Alessia at halata sa mukha nito ang pag-aalangan sa kaniyang sinabi.

"Trust me, madali lang ito, saka magandang klase ang motorsiklo na ito kaya hindi kamahihirapan, and hindi mo kailangan na patakbuhin," ang kaniyang sabi to appease her fear.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon