Chapter 44

815 67 88
                                    

Ni hindi na naramdaman ni Divino ang kirot na dulot ng sugat na kaniyang natamo mula sa bala na dumaplis sa kaniyang braso habang bumabaril siya. Alam niya na nasa gitna sila nang pagtakas at pakikipaglaban sa kanilang buhay ni Gold pero, isa siyang tao at lalaki para hindi mapansin kung anong posisyon nilang dalawa sa motorsiklo na siya na ang nagmaneho.

Nagpalit sila ng puwesto ni Gold. At kung kanina siya ang nakaangkas at bumabaril at si Gold ang nagpapatakbo ng motorsiklo nagkapalit na sila ng posisyon na dalawa at siya na ang may hawak ng handle bars para patakbuhin ang motorsiklo habang si Gold naman ang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban ngunit hindi ito nakaangakas sa kaniyang likuran. But she was facing backwards right in front of him and they were facing each other.

Her legs were straddling his, while her arms rest on his shoulders and he could feel his arms jolts whenever she fires against the riders that were pursuing them. And her soft left cheek was touching his stubbled jaw. And he knew that it was not right. But his blood suddenly boiled that moment.

Napatay man nila ang tumutugis sa kanila ay hindi pa rin napatay ang init nang kaniyang dugo. He loves Gold slash Alessia but he wanted to make love not to have sex at ni hindi nga niya alam kung mangyayari iyun lalo pa at kapatid ang turing sa kaniya ni Gold. O kung hindi man ay alam niya na hindi pa rin siya nito gusto.

Pero gayunpaman ay hindi niya kayang mapahupa ang init na kaniyang nadarama hanggang sa marating na nila ang motel para malagyan ng gamut ni Gold ang kaniyang sugat. At pagpasok pa lang nila sa loob ng tinluyan na silid ang unang tumambad sa kaniyang mga mata ay ang maliit na kama. At ramdam na agad ni Divino ang masikip na silid.

Kaya naman itinago na lamang niya ang nararamdaman sa pamamagitan nang pananahimik at pagsunod na lamang sa kagustuhan nito.

"Hubarin mo ang t-shirt mo tapos hugasan mo sa banyo, here," ang sabi sa kaniya ni Gold. Hinila niya mula sa laylayan ang suot niyang duguan nang kamiseta at saka niya kinuha mula sa kamay ni Gold ang inabot nitong sabon at bimpo. At saka siya pumasok sa loob ng banyo at tumambad sa kaniya ang kaniyang sarili mula sa maliit na salamin na nakasabit sa itaas ng lababo.

And he looked like he was run over by a speeding motorcycle. Huh, hindi nga siya ang tipo nito. At pumasok sa kaniyang isipan si Gerardo at ang matikas nitong hitsura.

Hinugasan niya ang kaniyang duguan na braso at saka niya binasa ang bimpo at pinunsan niya ang kaniyang dibdib pagkatapos niyang tuyuin ang kaniyang braso na nagsimula na namang dumugo.

"Shit," bulong niya at saka siya lumabas ng banyo at muling tumambad sa kaniya si Gold at ang unang tiningnan ng kaniyang mga mata ay ang mga hita nito na kanina lamang ay nakasampa sa sarili niyang mga hita.

Tiningnan ng kaniyang mga mata ang maliit na aircon. Buhay na iyun at umaandar. Pero bakit, parang mainit pa rin?

"Maupo ka," ang utos ni Gold sa kaniya at naupo na ito sa gilid ng kama. At nang sandali na iyun he was having hesistation na maupo sa gilid ng kama at muling maupo na kaharap ito. Pero kailangan niyang sumunod dito at alam naman niya na hindi naman niya masusuway ang gusto nito. Naalala tuloy niya ang pagtutok nito ng baril sa pari kanina sa Pedrosa dahil sa naubos na ang pasensiya nito.

Naglakad siya palapit sa kama at sa gilid nito ay naupo siya kaharap ni Gold. At napansin niyang sumulyap ito sa kaniyang dibdib.

"Akin na ang braso mo," ang utos nito sa kaniya. At saka nito sinimulang linisin ang kaniyang sugat saka nito pinahiran ng antibacterial na ointment. And the gentleness of her fingers on his arms tickled his senses. And again naalala niya kung paanong nagkadikit ang kaniyang mga harapan sa posisyon nila kanina sa may motorsiklo.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon