Chapter 2

1.1K 53 27
                                    

"Good afternoon signore Dominggo," ang masayang bati ni Divino sa dating boss at dating leader ng Branco di Lupi na nagretiro na sa isang probinsiya pagkatapos na mag-asawa ng anak nitong si Maximo na siyang dapat na lider ng Branco ay ibinigay na nito ng tuluyan sa kaniya ang posisyon na maging lider ng grupo na kaniyang bukas palad na tinanggap.

At gusto niyang patunayan na kaya niyang linisin at pamunuan ang grupong ilang dekada nang nag-eexist sa buong mundo.

Malugod niyang kinamayan ang naging kaniyang ama-amahan kung hindi dahil kay signore Bajamonti ay nananatili pa rin siya sa bahay ampunan at binago nito ang kaniyang kapalaran. At ipinakilala siya nito sa kaibigan na si Signore Vincenzo Tarantino na kaniyang pinagsilbihan bilang head ng security nito.

"Whiskey?" ang kaniyang alok dito nang maupo ito sa sofa sa loob ng kaniyang opisina.

"Won't mind if I do," ang sagot nito at mababakas ang saya sa mukha nito. Tumango siya at sinalinan niya ng mamahaling whiskey ang dalawang crystal glass na may yelo at saka niya binitbit ang mga ito para iabot ang isang baso kay signore Dominggo at saka siya naupo sa upuan na nakaharap dito.

"Mabuti po at nadalaw ninyo kaming muli," ang kaniyang sabi pagkatapos na magbanggaan ang kanilang mga baso.

Nilunok ni signore Dominggo ang whiskey na nasa bibig nito bago ito ngumiti at nagsalita.

"May sinadya lang ako na convention kaya...dumaan na rin ako rito sa inyo para mangamusta," ang sagot nito sa kaniya.

"You look happy signore, " ang kaniyang sambit. Dahil nabakas niya na maaliwalas ang mukha nito hindi katulad noong namumuno pa ito ng kanilang grupo. May edad man ay bumata ang mukha ni signore Dominggo at mababakas ang tunay na saya sa mukha nito lalo na sa tuwing ngumingiti ang mga labi nito. At tumangu-tango na may ngiti si señor Dominggo bago ito uminom muli ng whiskey.

"I am," ang masayang sagot nito sa kaniya.

"Retirement brought out the best in you," ang kaniyang sagot.

"You may say that...pero mayroon pang ibang bagay," ang sagot nito sa kaniya na may malapad na ngiti sa labi nito.

Tumango ang ulo ni Divino at siya man ay humigop ng alak mula sa kaniyang baso.

"How's the pack?" tnaong nito sa kaniya at doon na tumikom ang kaniyang mga labi at nabura ang ngiti sa kaniyang pisngi.

"Everything's well signore, businesses were all doing great," ang sagot niya.

"How about the...existing peace between the other?" ang tanong nito at alam na niya kung ano ang pinatutungkulan nito kahit pa hindi direkatng sabihin ni signore Dominggo ang pangalan ng grupo.

"Still peaceful."

Tumangu-tango ang ulo ni señor Dominggo, "that's good to know, alam ko na hindi kami nagkamali na ipaubaya ang pamamahala ng grupo sa iyong mga kamay, isa kang matalinong lider."

"Salamat po signore Dominggo."

***

Tahimik na nakaupo si Divino sa kaniyang mesa habang binabasa niya ang mga profits na kinita ng Branco nitong quarter. Kahit pa isa silang grupo ay masasabing malaki rin ang naitutulong nila sa ekonomiya. They have businesses all over the world both legal and illegal. They have stocks in the stock market and deals in black market. Lahat ay meron sila. Pati na rin ang samu't samong problema na noon ay kanilang kinaharap.

Pero sa kabila ng kanilang mga kayamanan ay hindi nila nakakaligtaan na tumulong at ibahagi ang kanilang mga biyaya. Bukod sa patuloy nilang pagbibigay ng donasyon sa bahay ampunan na kaniyang pinagmulan ay mayroon pa silang ibang mga charity projects.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon