Chapter 18

500 40 16
                                    

Naglakad pabalik si Divino para lapitan ang grupo ni Sixto na nagtungo sa manor. At habang naglalakad palapit ay napansin niyang nakakunot ang noo nito at nakatingin sa kaniyang likuran kung saan naroon sina Noah at Alessia na pinabalik niyang muli sa bahay niyang tinutuluyan.

"Good morning Signore Divino," ang bati ni Sixto sa kaniya.

Tumango siya at sumagot ng pagbati, "You want to talk to me Sixto?" ang kaniyang tanong.

"Si, about my brother Eduardo," ang sagot nito sa kaniya. At ramdam niya ang galit sa bawat mariin na bigkas ng mga salitang sinambit nito.

Nagbuntong-hininga siya, "let's talk inside," ang kaniyang sabi at itinuro ng kaniyang palad ang direksiyon ng manor.

"Who's that? Your woman?" ang usisa ni Sixto sa kaniya habang nakatingin ang mga mata nito sa direksiyon ni Alessia.

Bahagyang pumihit ang kaniyang katawan para lumingon at nakita niyang malayo na sina Alessia at Noah at papasok na sa loob ng bahay na para sa kaniya.

"No one," ang kaniyang sagot nang salubungin niya ang mga mata ni Sixto ang mariin at seryoso niyang sagot dito.

Ngumisi ang mga labi nito, "I thought he was your...other woman, a bed warmer while you wait for your official pledge marriage to Signore Emmanuel Gavano."

Nanlaki ang butas ng kaniyang mga ilong at gigil na nagkiskisan ang kaniyang mga ngipin.

"She's not my other woman and she's not my bed warmer, she's my sister," ang mariin niyang sagot. At napaatras ang ulo ni Sixto dahil sa gulat sa kaniyang sinabi.

"I didn't know you have a sister-"

"Are we going to talk about my personal life? Or about your brother?" ang putol niyang tanong kay Sixto. Tumikom ang mga labi nito at saka ito tumango bilang sagot sa kaniyang sinabi.

"Bene," ang kaniyang sagot. At nauna na siyang naglakad at agad na sumunod sa kaniyang likuran ang kaniyang mga security kasama na si Marco na tumango lamang sa kaniya bilang pagbati.

Dumiretso sila sa library sa may ibabang bahagi ng manor at katulad nang nakasanayan dalawa lamang sa security ni Sixto ang kasama nito sa loob habang siya ay si Marco at tatlo pa sa tauhan nito ang kaniyang kasama sa loob ng silid.

Nauna siyang naupo sa isang armchair habang nakatayo sa kaniyang tabi si Marco at ang ilan sa may tabi ng nakapinid na pintuan. At kasunod naman sina Sixto na naupo sa isang malapad na sofa at isang malapad din na coffee table ang nakapagitan sa kanilang dalawa.

"I know this is early for a drink but, may I offer you some?" ang kaniyang alok sa mga ito.

"No thank you signore Divino," ang pagtanggi ni Sixto.

"Very well, what is about Eduardo? Bumalik na ba siya sa inyo?" ang kaniyang patay malisyang tanong.

Nakita niyang nanlaki ang butas ng mga ilong ni Sixto and he saw a muscle twitched on the side of his jaw.

"Hindi siya bumalik, nakita namin siya sa labas ng metro, sa gitna ng masukal na talahiban, naked, with skull smashed on the front."

"When?" ang kaniyang tanong.

"Early morning, dusk," ang sagot ni Sixto, "and you know what's odd? The killer took the time na linisan ang katawan ni Eduardo, talagang sinigurado ng pumatay sa kaniya na walang anumang ebidensiya ang makikita sa katawan ng kapatid ko."

"You think he was murdered?"

"I don't think this is a homicide," ang sagot ni Sixto, "pinatay siya at nilinis ang ebidensiya."

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon