Kumunot ang noo ni Gold nang marinig niya ang sinabi ni Divino. Leopold? Leopold ang baril na gamit ng mga armadong lalaki?
"Hindi ba may kontrata ka sa Leopold?" ang kaniyang tanong kay Divino na tumango naman ang ulo bilang sagot sa kaniya.
"Yes pero hindi ito, I was still waiting for a call na mayroon nang design para sa commissioned firearms na para sa amin," ang sagot sa kaniya ni Divino.
Tumango ang kaniyang ulo at saka niya kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. Masakit para sa kaniya ang iwan na lamang ito sa tabi ng kalsada lalo pa at mula iyun sa kaniyang daddy pero kailangan nilang itago ang kanilang prints hangga't maaari para hindi sila agad na masundan. Kung alam ng mga armadong lalaki ang manor ng kaniyang ama ay siguradong alam din nito ang mga sasakyan nila.
Hindi naman sikreto ang manor ng kaniyang daddy sa mga miyembro ng Aguilas kaya napakalaki pa ring blanko kung sino ang kanilang kalaban. Ang tanging malinaw sa kaniya sa sandaling iyun ay ang sinabi ni Cashmere na Aguilas ang traidor at siguradong may kasama ito sa grupong Branco di Lupi.
"We'll look into this later, kailangan na muna nating makarating ng Villacenco, I need a phone para makagawa ng tawag." Ang kaniyang sagot at saka sila lumabas ng kaniyang sasakyan.
Nilakad nila ang makikipot na mga eskinita para makalabas sa highway at doon ay naghintay sila ng provincial bus na magdadala sa kanila sa malapit probinsiya.
Akyat baba sila sa mga sasakyan. Baba sa unang bus na sinakyan para maglakad nang kaunti at sasakay sa isa pang kasunod na bus may pagkakataon naman na tricycle ang kanilang sasakyan o jeep.
Hanggang sa marating nila ang bayan ng Agusta. At doon na sila nagpasya na kumain ni Divino. Naghanap sila ng isang karinderya na makakainan. Nang makapili ng karinderya ay naghanap sila ng kanilang mapupuwestuhan at doon na naramdaman ni Gold ang labis na pagod. Pareho silang kulang sa tulog at ang huling kain nila ay ang take out na tinapay niya mula sa coffee shop that they consumed sa loob ng kaniyang sasakyan. Na sinamahan pa ng mahabang paglalakad nilang dalawa.
"Pagod ka na?" ang tanong ni Divino sa kaniya at mababakas ang pag-aalala sa boses nito.
But she will not tell him the truth, "hindi, gutom lang," ang kaniyang sagot, "puwede bang ikaw na ang mamili ng kakainin?" gusto na kasi niyang maupo at masakit ang kaniyang mga binti.
"Sure," ang mabilis nitong sagot at saka niya inabot ang pera na kinuha niya mula sa pitaka ng babaeng nasa coffee shop.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Divino, "babayaran ko sa iyo ito Gold kapag...okey na ang lahat."
"Bakit mo babayaran hindi naman sa akin iyan," ang kaniyang sagot, "sige na...gutom na ako baka kainin ko na yung dayami sa truck." Ang kaniyang dugtong at ang tinukoy niyang dayami ay ang sakay ng truck na nasa parking ng karinderya na ang driver at pahinante ay kumakain din sa karinderya.
Napangiti na lang si Divino sa kaniyang sinabi at napailing at saka ito tumayo at naglakad palapit sa counter ng karinderya.
Pinagmasdan niya ito. Kahit yata subukan nilang maglow-profile ay imposible na mangyari. Divino can draw attention kahit saan ito na magtungo kahit pa nakapajama lang ito at nakakamiseta ay maganda pa rin ito sa paningin. And because of his towering height madali mo itong mapapansin na sinamahan pa aura nito. He exudes authority.
Malakas niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan. Mukhang kailangan niyang uminom ng tubig dahil sa bigla na lang nanuyo ito. Maya-maya pa ay lumapit na sa kaniya si Divino bitbit ang isang tray na naglalaman ng dalawang plato, tig-isang cup ng kanin, at dalawang platito ng ulam na gulay at karne. At dalawang bote ng softdrinks.
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
Любовные романыDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...