Chapter 55

1K 65 43
                                    

"Signore?" ang sambit ng isa sa kaniyang security pagkatapos nitong pumasok sa loob ng kaniyang opisina.

Bahagyang umangat ang kaniyang tingin mula sa mga papel na kaniyang binabasa nang sandali na iyun para tingnan ito.

"Signore, detective Carberry is here to see you," ang sabi nito sa kaniya.

Tumango ang kaniyang ulo at nagpasalamat sa kasamahan at ilang saglit lang ay bumukas nang husto ang pinto at humakbang papasok ng kaniyang opisina si detective Atlas Carberry.

Itinulak niya ang kaniyang silya para tumayo at batiin ang detective na kaniya na ring naging kaibigan.

"Good afternoon Signore Romano," ang bati nito sa kaniya at tinanggap nito ang kaniyang nauna nang kamay na nakalahad para kamayan ito.

"Oh please," ang kaniyang sambit na may pagkunot ng kaniyang noo at saka umiling ang kaniyang ulo at mahinang natawa si detective Atlas dahil mula nang nangyari limang buwan na ang nakalipas ay nasa first name basis na ang kanilang tawagan at nawala na nang tuluyan ang pormalidad.

Sabay silang naupo, siya sa kaniyang office chair at si Atlas sa silya sa harapan ng malapad niyang lamesa sa loob ng aniyang opisina sa manor ng Branco di Lupi.

"Let me offer you a drink," ang kaniyang sabi at tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Atlas.

"Oh, I'm still working," ang sagot nito sa kaniya na may panghihinayang. Gayunpaman ay tumayo pa rin siya para lumapit sa maliit na bar ng kaniyang opisina para magsalin ng whiskey sa dalawang baso na may yelo.

"I needed one, and I guess you need one too, isang baso lang ito Atlas," ang kaniyang sagot at napailing na lang si Atlas sa kaniyang sinabi.

Hinintay siya ni Atlas na makabalik sa lamesa at iniabot niya rito ang crystal glass na may laman na mamahaling whiskey. At mahina itong nagpasalamat sa kaniya at siya naman ay naupo na muli sa kaniyang office chair.

Sandali silang naupo na magkaharap while they took and enjoy their first sip of the expensive and vintage whiskey.

"Kamusta?" ang kaniyang panimula na tanong kay Atlas at alam niyang hindi isang friendly visit lamang ang dahilan nang pagdalaw nito lalo pa at sinabi nito na nagtatrabaho pa ito hanggang sa oras na iyun.

Muling uminom si Atlas sa hawak nitong baso at isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi dahil sa kanina ay tumatanggi pa ito ngunit nang sandali na iyun, he was already enjoying his drink.

Inilapag ni Atlas ang baso nito sa lamesa sa tabi nito at saka ito humarap na muli sa kaniya.

"After further investigations ay napag-alaman pa namin na...involve si secretary Lorenzo sa malaking patayan sa bansa mula pa noong...isa pa lamang siyang sundalo, and...ang footage na nakuhaan sa loob mismo nitong manor, the masscare ang pinakamalakas na ebidensiya laban sa kaniya," ang panimula ni Atlas.

Tumango ang kaniyang ulo, alam niyang mayroon pang kasunod ito na sasabihin sa kaniya. Kaya naman nanatili lang na tikom ang kaniyang labi habang pinagmamasdan niya ang kulay gintong likido na nas aloob ng kaniyang hawak na baso.

The color gold liquid was the same color as Gold's eyes, ang sabi ng kaniyang isipan at isang malungkot na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at ang sakit sa kaniyang dibdib nang dahil sa pangungulila ay gumuhit sa kaniyang dibdib. At iniwas niya ang kaniyang mga mata sa hawak na baso at isang malalim na hininga ang kaniyang sinagap bago niya itinuon ang kaniyang mga mata kay Atlas na mukhang nabasa ang lungkot sa kaniyang mga mata dahil sa tikom ang mga labi na ngumiti ito sa kaniya.

"The case against you with regards to Miss Carlissa gavano was dismissed, ni hindi na umabot sa piskal dahil sa ebidensiya na nakuha ninyong recording sa kuwarto mo," ang paglalahad nito sa kaniya.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon