Chapter 11

602 40 28
                                    

Napakagat si Divino sa kaniyang pang-ibabang labi nang makita niya ang pag-atras ng ulo ni Marco at ang gulat sa mga mata nito.

Isang butnong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya itinulak ang upuan at ang kaniyang sarili upang tumayo at ipinikit niya ang talukap ng kaniyang mga mata at habang nakahawak ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang balakang ang kaniyang kanan na kamay naman ay nakapisil ang mga daliri sa kaniyang mga mata.

"What did you just say?" ang narinig niyang tanong ni Marco. Maaaring naninigurado lamang ito sa kaniyang sinabi. Never before did he take in and protect a killer of his own pack.

Isang buntong-hininga muli ang kaniyang pinakawalan at saka niya hinarap si Marco habang magkaharap silang nakatayo sa isa't isa at tanging ang kaniyang malapad na mesa ang namamagitan sa kanila.

"Si Alessia ang nakapatay kay Eduardo."

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ni Marco at umiling ang ulo nito na tila ba hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi. Alam niya na sasabihin din niya ang katotohanan sa kaibigan lalo pa at agad na naghanap ang mga Vasquez sa nawawalang lider ng pamilya nito. He was just not expecting na agad-agad na lilitaw si Sixto sa kaniyang opisina.

"You are harboring a murderer inside our pack?" ang hindi makapaniwala nito na tanong sa kaniya. At inilapat nito ang mga palad sa ibabaw ng kaniyang mesa.

"Alessia is not a murderer," ang kaniyang pagtatanggol kay Alessia.

"But you just said-"

"I know what I said, pero...hindi niya plinano na patayin si Eduardo," ang giit niya kay Marco at isinaad niya kay Marco ang tungkol sa ikinuwento sa kaniya ni Alessia ang tungkol sa muntik na pangmomolestiya at puwersahan na pagkuha ni Edurado sa puri ng kaniyang itinuring na kapatid.

"It was an accident that she killed Eduardo, she was protecting herself," ang giit niya.

"What? Because she's his fiancee? Na hindi sila dapat na magsex?" ang kunot noo na tanong ni Marco sa kaniya. At tumigil siya sandali at tumayo lang na nakatingin sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ganun na lang ang tingin ng mga ito sa isang babae.

Oo hindi siya santo pagdating sa easy sex but, it was always with mutual consent at walang sapilitan na nangyayari kahit pa karelasyon niya ito.

"Kailan pa naging ticket na gumawa ng pangmomolestiya ang pagkakaroon ng relasyon?" ang hamon niyang tanong sa kaibigan, "would you force yourself to a woman?"

"Of course not! Hindi ako ganun kadesperado." ang pagtanggi ni Marco sa kaniya.

"Isipin mo na lang ang kalagayan ni Alessia nang gabing iyun? Iba ang prinsipyo ni Alessia, katulad nang sinabi ko sa inyo, and...she didn't mean killing him, hindi niya gusto ang nangyari na ito lalo pa at biglang nagbago ang kaniyang buhay, she was free, she already have a life na sa isang iglap ay ninakaw ni Eduardo kasama ng kaniyang pagkamatay."

"But why is she here? Kung gusto mo lang naman ay itago ang hindi niya sinasadya na pagpatay ni Alessia kay Eduardo, na...puwede naman nating gawin, bakit kailangan niya na magstay dito sa atin?"

"Dahil baka malaman ng mga Vasquez ang nagawa niya at siguradong pagbabayarin nila si Alessia," ang giit niya.

"Then let them believe na ang Aguilas na si Gold ang may gawa nito katulad nang unang suspetsa namin ni Noah, that way mababaling sa iba ang atensiyon ng mga Vasquez at mawawala na ang suspetsiya kay Alessia, and everything will be back to normal again," ang giit ni Marco sa kaniya.

"And what? Hayaan natin na mag-umpisa na naman ang isang sigalot na matagal nang humupa?" ang hamon niyang tanong kay Marco.

"Eh ano bang gusto mo? Ang malagaya sa kapahamakan ang buhay ni Alessia o ang buhay ng isang kalaban na wala nang ginawa nitong mga nakaraan na linggo kundi ang pumatay ng kagrupo natin?" ang hamon din sa kaniya ni Marco.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon