The moment he blurted out those words Alessia or Gold's lips pursed into a thin line. And that moment nakumpirma niya ang lahat ng kaniyang nalaman mula kay signore Piedrablanca ay purong katotohanan. Kahit pa mayroong maliit na parte sa kaniyang puso na umaasa siyang itatanggi ni Alessia na ito si Gold at paniniwalaan niya ito.
"Tama ba? Ha Gold?" ang kaniyang hamon dito. At saka nito hinila ang pekeng kulay brown na buhok na nakasuot sa ulo nito. At tumayo ito sa kaniyang harapan na may kulay gintong buhok habang ang mga abo nitong mga mata ay diretsong nakatingin sa kaniya. It was like hindi man lamang ito natinag o nagimbal na nalaman na niya ang itinatago nitong sikreto at ang panloloko nito sa kaniya.
He scoffed and shook his head, "ni hindi mo man lang itinanggi," ang kaniyang sambit. At ang kaniyang mga kamay ay ikinapit niya sa kaniyang magkabilang balakang habang umiiling ang kaniyang ulo.
Nagkibit naman ng mga balikat si Gold, habang inaalis nito ang bandage na nakaikot sa itaas ng noo at likod ng ulo nito.
"Will it make a difference kung itatanggi ko pa?" ang sarkastikong sagot nito sa kaniya habang nakataas ang dalawang kilay nito and her fingers started unraveling her braided hair para mapakawalan ang kulay gintong buhok nito.
Yes...it will, somehow it will, it will lessen the hurt in my chest na niloko mo ako! ang sigaw ng kaniyang isipan.
"Hindi mo ba itatanong kung paano ko nalaman na nagpapanggap ka lang?"
Kumunot ang noo sa kaniya ni Gold o Alessia, saka umiling ang ulo nito sa kaniya at nag-krus ang mga bisig nito sa sarili nitong mga dibdib and he knew that moment na tuluyan nang nawala si Alessia at si Gold na lamang ang nasa kaniyang harapan. Iyun ang tunay nitong katauhan.
"Panggap? Sinong may sabi na nagpapanggap lang ako? In my knowledge ako pa rin si Alessia Singson...the real Alessia Singon."
"Signore Piedrablanca," ang mariin na sambit niya. At doon niya nakitang natigilan si Gold. At sa pagkakataon na iyun ay siya naman ang nagtaas ng dalawang kilay dito at saka siya ngumisi.
"Huh, nagulat ka ba?" ang hamon niyang tanong. Ngunit walang anumang salita ang isinagot sa kaniya si Gold at tiningnan lang siya nito. She stood in front of him with her golden hair flowing on her back, her gray eyes glaring at him while she wore a dress with long skirt.
Huh, kaya naman pala nang magkaharap sila nito noong pareho silang nagtungo para kausapin si secretary Lorenzo ay pamilyar ito sa kaniya.
"Bakit ka nakipag-usap sa kaniya, para aminin na kayo nga ang pumapatay sa mga Aguilas?"
"Alam mong wala akong inuutos na ipapatay ang mga Aguilas, at alam mo na inaalam ko kung sino ang may gawa ng mga pagkilos na ito...Alessia, dahil tumira ka sa loob ng manor at alam mo ang lahat nang nangyayari."
"Iyun ba ang dahilan? Iyun ba ang dahilan kaya ginamit si Alessia? Dahil gusto mong mapasok ang Branco at makapaghiganti? Dahil sa...labis na galit mo dahil hindi ko sinasadyang napatay ang iyong ama?! Ha? Iyun ba?! kaya nagkandahirap ka sa pagpapanggap at pinatay mo pa si Eduardo para paghigantihan ako?!"
"Huh, baka nga...ikaw ang may pakana ng lahat ng ito...ang mga pagpatay sa Aguilas para lamang ibunton ang sisi sa Branco di Lupi...sa akin na leader ng grupong kinamumuhian mo."
"Isiniwalat mo na ba sa buong grupo ng Aguilas kung paano mapapasok ang manor ng Branco para pagpapatayin kaming lahat? Para kami ambushin katulad nang ginawa ko sa daddy mo?" ang sumbat niya.
"Nag-uumapaw ang galit mo sa akin that you wanted to watch me fall on the ground dahil sa pagkatalo at ikaw ang manalo sa laban na ito dahil sa iyong vendetta sa akin dahil pinatay ko ang ama mo?!" ang kaniyang sigaw at doon niya nakita ang galit sa mga kulay abo na mata nito na sa unang pagkakataon ay kaniyang nakita.
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
Lãng mạnDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...