Chapter 8

735 57 44
                                    

"Good morning," ang kaniyang bati sa kaniyang mga kasamahan. Ito ang dalawang tao na kaniyang lubos na pinagkakatiwalaan sa loob ng grupo. At tuwing umaga ay nakasanayan na niya ang sabayan ang mga ito na magkape at kumain ng agahan. Ngunit sa umagang iyun ay makikipag-kape lamang siya sa mga ito. Dahil plano niya na sabayan si Alessia na kumain ng almusal.

Iyun ang unang pagkakataon na makakasabay niya si Alessia na kumain ng almusal sa napakatagal na panahon mula nang iwan niya ito sa bahay ampunan.

Tumango siya at gumanti ng pagbati at naupo siya sa silyang nakalaan na para sa kaniya. At sa tuwing magkakasabay sila na kumain ng agahan ay sinisigurado niya na nakalatag na ang lahat ng pagkain sa kanilang harapan at walang tagapagsilbi na maglalagay ng pagkain sa kanilang mga plato o magsasalin ng kape sa kanilang mga tasa. Gusto niyang ipadama sa kaniyang mga matagal nang kasamahan na sa simula ng araw sila ay pantay-pantay lamang.

Hinayaan na muna niyang makapagsimula ang mga ito na kumain kahit pa dama niya agad ang kakaibang bigat ng hangin sa harapan ng hapag. At alam na niya ang dahilan nang nakakabinging katahimikan at ang pasimpleng sulyapan ng mga ito.

"Hindi ka yata kumakain Divino," ang tanong ni Noah sa kaniya na isa pa sa mga taong malapit sa kaniya. At sa tuwing umaga rin ay hindi siya tinatawag ng mga ito na Signore.

"Mamaya na ako kakain," ang kaniyang sagot.

"Sasabay ka ba sa nobya ni Eduardo?" ang tanong ni Marco sa kaniya at nang tingnan niya ang mga mata nito ay mayroon itong paghamon.

"Dating nobya," ang kaniyang pagtatama pagkalapag niya ng tasa ng kaniyang iniinom na kape. At isang buntong-hininga ang narinig niya mula kay Noah.

"Walang pagkakaiba iyun," ang sambit nito.

"Bakit mo siya dinala rito?" ang agad na usisa ni Marco sa kaniya, "sigurado ka ba sa kuwento niya na...naabutan na niyang patay si Eduardo sa ibaba ng salas?"

"Ang pinakamagandang tanong ay...sino ang babaeng iyun sa buhay ni Divino? Bakit ganun na lang at basta-basta mong pinatira ang babaeng iyun sa bahay mo?" ang sabat naman ni Noah.

Tumiim sandali ang kaniyang mga panga. Hindi niya kasi nagustuhan ang tono ng mga salita ng kasamahan lalo na ang termino ng mga ito kay Alessia na, babaeng iyun.

Ngunit, naintindihan niya ang mga ito. Sariwa pa rin sa kanila ang ginawa ni Alfonso na anak sa labas ng dating lider ng Branco na si Signore Dominggo. Ang taong umampon sa kaniya at nagpalaki bago siya nanilbihan sa kaibigan na si Vincenzo Tarantino kung saan siya naging lider ng security nito at naging tagabantay ng anak na si Blaze Tarantino.

Ang ambush na nangyari sa bahay ni Signore Tarantino na pumatay nang napakaraming Branco di Lupi.

"Prima di tutto, ang babaeng iyun ay kababata ko, o ang proper term ay parang kapatid ko na si Alessia dahil sa lumaki sa iisang ampunan kung saan ako kinuha ni Signore Dominggo kaya...kilala ko siya at matagal ko na siyang hinahanap dahil sa pangako ko sa kaniya na babalikan ko siya o kung hindi ko man na siya maabutan ay hahanapin ko siya para makasama ko siyang muli, but...hindi ko nagawa iyun at sa napakahabang panahon ay nabigyan ako ng pagkakataon na makaganti sa aking mga hindi natupad na pangako lalo pa sa panahon na kailangan na kailangan ako nito."

"Pero paano tayo nakasisigurado na hindi siya ang pumatay kay Eduardo?" ang tanong ni Marco sa kaniya.

"Because I know her, alam ko na hindi niya kaya ang pumatay ng tao, the values the she learned sa loob ng ampunan ay dala-dala pa rin nito," ang giit niya.

"Pero saan niya nakuha ang pasa niya sa mukha?" ang tanong ni Noah.

Isnag buntong-hininga ang pinakawalan niya, "sinampal siya ni Eduardo dahil ayaw na makipagsex ni Alessia sa kaniya."

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon