Chapter 39

588 47 30
                                    

Hindi makapaniwala si Divino sa kaniyang narinig mula kay Gold. Anong gusto nitong ipagawa sa kaniya?

"Anong pinagsasabi mo? May amats ka pa sa pamamaril?" ang kaniyang kunot noo na tanong.

"Hindi...ganito ako kapag kulang sa kape and anytime soon masasama na sa mahabang listahan ng kaso ko ang bank robbery, so ano? susunod ka sa gusto ko o susunod ka sa gusto ko?" ang sagot ni Gold sa kaniya.

Napahilamos ang kaniyang kanan na palad sa kaniyang mukha habang nakatukod ang kaniyang kanan na siko sa pintuan ng sasakyan. Saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"As ifmy choice ako sa mga choices na ibinigay mo sa akin?" ang kaniyang patanong na sagot. At pagkibit ng mga balikat naman ang isinagot sa kaniya ni Gold.

"So ano ang gagawin ko?" ang kaniyang tanong. Wala naman na talaga silang ibang choice nang sandali na iyun. Kailangan naman talaga nila ng pera.

"Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, gagamitin mo ang gandang lalaki mo."

"Huh, akala ko ba wala ako nun?" ang kaniyang sarkastikong sagot dito.

"Wala nga pero dahil sa malaki ang pangangailangan ko sa kape, nag-iiba ang hitsura mo sa mga mata ko." ang sagot ni Gold sa kaniya at isang ngiti na lang ang isinagot niya rito dahil sa alam niyang idinadaan na lang nito sa palusot ang mga nabitiwan na salita.

"Okey so anong gagawin ko? Sasabihin ko na magkapatid tayong dalawa tapos nahold-up tayong dalawa kaya walang-wala tayo ni singko ganun ba?" ang kaniyang tanong.

Isang malakas na pagsingasing ang narinig niya mula kay Gold kasunod nang pagtawa nito. Tumikom ang kaniyang mga labi at kunot noo niyang pinagmasdan si Gold na pinagtatawanan siya.

Tumango ang ulo nito, "yeah, as if may babaeng katulad niyun ang maniniwala na magkapatid tayong dalawa, at saka...matu-turn off iyun kapag nakita na may kasama kang babae kaya solo flight ka rito."

"Jusko huwag mong sabihin ibebenta ko katawan ko para sa kape?" ang hindi niya makapaniwala na sabi rito.

"Ugh, anong para sa kape lang?" ang tanong ni Gold sa kaniya na ikinaatras ng kaniyang ulo.

"What?"

Umiling ang ulo nito, "huwag mo nang isipin pa yun makinig ka sa sasabihin ko sa iyo, mas sanay ako sa iyo sa mga ganitong bagay...kaya ako ang magpaplano okey? at ikaw? aarte ka lang well nasa sa iyo na iyan kung tototohanin mo pero wala tayong oras."

"Ugh," ang kaniyang sambit dahil sa may pasaring pa ito sa kaniya.

"Anyway ganito, papasok ka sa loob at lalapitan mo siya, makikipagkilala ka na interisado ka ganun-ganun, basta chikahin mo."

"Paano kung tanungin ako tungkol sa akin? bakit...ganito hitsura ko?" ang kaniyang tanong.

"Sabihin mo nagtatrabaho ka sa club at naloko ka ng kliyente, inilabas ka pero hindi ka binayaran, pambayad mo pa naamn kamo sa school tuition mo...you know tha drama."

Bumagsak ang mga panga niya nang marinig niya ang senaryo na kaniyang dapat gawin. Sa tanang buhay niya iyun ang unang pagkakataon na kailangan niyang manghingi ng pera lalo na sa isang babae.

"Tapos hihingi ako ng pera? Pangkape ganun? Paano kung hindi ako bigyan? Paano kung...jeez...paano kung maghanap ng kapalit?"

"Eh di serbisyuhan mo, may CR naman sa loob o diyan sa gasolinahan-"

"Gold!" saway niya, "Ano nga ganun nga? Hihingi ako ng pera sa kaniya?"

"Tsk, huwag mo nang problemahin ang parte na iyan...diyan na ako papasok sa eksena." ang sabi ni Gold sa kaniya, "basta ang misyon mo landiin mo yung babae para mawala sa focus okey?"

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon