Chapter 46

724 54 55
                                    

"Daniel Pelozi," ang sambit ni detective Atlas habang binabasa ang pangalan na ibinigay sa kaniya ni Gold kanina nang matanggap niya ang tawag nito. Nasabi na rin niya rito ang tungkol sa baril at ang ipinahatid ni engineer Steel sa kung may mga kailangan ang dalawa ay huwag na magdalawang-isip na lapitan sila ng mga ito.

Gustong ipahanap sa kaniya ni Gold kung mayroong nage-exist na tao na may pangalan na Daniel Pelozi na maaaring ginagamit ang katauhan ng isang pinatay na Aguilas na katulad din nito noon na isang magaling na executioner. Maaaring may koneksiyon ito sa mga nangyayaring mautiny sa loob ng grupo nito at kasabwat ng mga traidor sa grupo naman ni Divini na Branco di Lupi.

He typed the name sa kanilang database ng mga listahan ng crimianls at wanted fugitive pero walang Daniel Pelozi na lumabas sa listahan.

isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Tunog foreigner ang pangalan hindi kaya wanted ito ng Interpol? kung gayunman mahihirapan siyang makakuha ng record dahil DOJ ang may jurisdiction sa bagay na iyun.

He went to internet to search for his name at ang mga lumabas na images ay ang mga Italyano na kung wala sa iba't ibang lugar sa Italy ay nasa ibang bansa pa rin ang mga ito. At sa dami ng mga pangalan at mukha na lumabas, para siyang naghahanap ng karayom sa tambak ng dayami.

"This is going to be hard," ang kaniyang bulong sa sarili. Mahirap man pero...alam ni Atlas na hindi siya susuko. Ni hinsi nga niya sinukuan ang case ng babaeng pinatay ang sarili nitong asawa na nauwi pa sa paghingi niya ng tulong sa isang clairvoyant.

Mahirap pero hindi susuko, iyun ang kaniyang motto. Ang sabi niya sa kaniyang sarili at kaniyang dinampot ang receiver ng telepono para gumawa muli ng tawag mula sa kontak niya sa loob ng PSA Office nang may kumatok sa pintuan ng kaniyang opisina at bumukas iyun at pumasok ang janitor ng kanilang opisina.

"Sir, may parcel po," ang sabi nito sa kaniya. Tumango siya para papasukin ito at saka naman ito dali-daling pumasok dala ang malaking envelope na inabot sa kaniya.

"Salamat, oh...pangkape mo," ang kaniyang sabi sabay abot niya ng dalawang pirasong perang papel sa janitor na ngumiti sa kaniya at nagpasalamat.

Kinuha niya ang parcel at nang sumara ang pinto ay agad niyang binuksan ito at hinila ang laman. Nang sagutin ang kaniyang tawag sa kabilang linya.

"Pineda, detective Carberry here," ang kaniyang sabi.

"Sir naipadala ko na po yung request mo," ang sagot nito sa kaniya.

"Actually natanggap ko na, ngayon lang I was opening it right this moment, may...iapapakisuyo ako ulit sa iyo," ang kaniyang sabi.

"Ano iyun sir?"

Kumunot ang kaniyang noo at saka niya tiningnan na muli ang pangalan na nasa listahan.

"I need some information kung may makukuha kang or death records na may pangalan na may Daniel Pelozi," ang kaniyang sagot.

"Tunog Italyano sir ah?" ang sagot nito sa kaniya.

"Oo ipadala mo sa akin ulit bukas, send ko na lang ang pangkape mo sa account number mo," ang kaniyang sagot. At saka niya ibinaba ang receiver sa cradle.

He requested a copy of birth certificate na may pangalan na Manuel Lorenzo. Hindi niya alam kung bakit pumasok na lang sa kaniyang isipan na gawin iyun but, he told himself that if he wanted to start investigating someone, might as well start sa kung kailan at saan ito ipinanganak. He just said sa clerk na kailangan niya ang lahat ng birth certificate na may pangalan na Manuel Lorenzo at sa araw ng birthdate na nakuha niya sa internet. Ang ibang impormasyon naman kasi kay secretary Lorenzo ay nakapubliko maliban sa middlename, pangalan ng mga magulang nito at mga kapatid ganun na rin ang mga anak na alam niya na napatay ng Branco dahil isang member ng Aguilas.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon