Chapter 27

500 44 34
                                    

"Marco...nasaan si Divino?" ang tanong ni Noah dito. At sumulyap pa ito sa direksiyon ng gates na agad na nagsara pagkapasok ni Marco lulan ng motorsiklo nito sa loob ng driveway ng manor.

"May pinuntahan siya," ang sagot ni Marco at pagod itong bumaba ng sarili nitong motorsiklo. Iba ang pakiramdam nito at mababakas sa mga bagsak nitong mga balikat ang bigat ng damdamin na bumabagabag sa kalooban at isipan nito.

"May pinuntahan?" ang usisa ni Noah habang nakasunod itong naglalakad kay Marco na papasok sa loob ng manor. His eyes were bloodshot because of the lack of sleep and the pain of the horror that he just witnessed.

"Saan? Saan siya nagpunta?" ang usisa ni Noah na nakasunod pa rin kay Marco hanggang sa sarli nitong silid.

Hinila ni Marco ang suot nitong kamiseta, "hindi ko alam, basta sabi niya na...may pupuntahan siya." Ang tanging sagot ni Marco at saka ito kumuha ng tuwalya mula sa loob ng closet nito.

"Ganun? Pero dapat hindi mo siya iniwan na mag-isa," ang sabi ni Noah at nagkrus ang mga braso nito sa sariling dibdib.

"Hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari...paano kung...gumanti yung Gold?" ang giit pa ni Noah.

Sandaling huminto si Marco at tumayo ito sa nakabukas na pinto ng banyo kung saan sana papasok ito para makapaglinis ng katawan.

At sumagi sa isipan ni Marco ang nangyari sa loob ng club ng Aguilas kung saan naganap ang massacre ng mga Aguilas. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa iyun ng miyembro ng Branco. Those dark times was over mula nang mamuno ang mga Bajamonti at nagkaroon ng truce sa dalawang grupo sa pamamagitan ng dalawang lider.

Kaya naman hindi lubos maisip ni Marco na muling hahantong ang lahat sa isang matatawag na summary execution ang pagkamuhi ng iilan sa kanilang kagrupo laban sa mga Aguilas.

At muli nitong naalala si Gold. She stood there in front of him and Divino while she pointed her gun towards Divino. Pero sa kabila ng mga nagkalat na bangkay ng mga kasamahan nitong Aguilas ay hindi nito pinaputok ang baril kahit pa kitang-kita sa mga mata nito ang labis na galit, sakit, at pagkamuhi.

Umiling ang ulo ni Marco, "hindi siguro mangyayari iyun." Ang kaniyang sagot at saka niya tinalikuran muli si Noah.

"Nga pala...anong nangyari? Mabuti at nakalabas kayo ni Divino?" ang usisa nitong muli.

"Wala silang nakitang ebidensiya laban sa amin."

"Kahit nandoon na kayo?" ang takang tanong ni Noah at pumihit ang ulo ni Marco para tingnan si Noah.

"Anong ibig mong sabihin?" ang kunot noo nitong tanong kay Noah.

"Uhm, ang ibig kong sabihin ay mabuti at pinalaya rin kayo ni detective kahit pa...naabutan niya kayo sa may loob ng building, wala naman talaga siyang makukuhang ebidensiya laban sa inyo," ang paliwanag nito.

"Mabuti...walang Aguilas na nandoon lalo na yung Gold," ang dugtong pa ni Noah.

"Bakit may Branco na gagawa nito? Ganun na lang ba ang pagkadismaya nito sa pamumuno ni Divino kaya kailangan nitong gumawa ng sariling grupo na lalaban kay Divino at sirain ang buong Branco? Sinong Branco ang...ganun na lamang ang galit sa mga Aguilas?" ang kunot noo na tanong ni Marco na labis ang pagtataka sa kung anong kayang gawin ng isang Branco di Lupi nang dahil lang sa ayaw nito sa pamumuno ni Divino. Para kay Marco na kalabisan ang pumatay na katulad nang kaniyang nakita kanina kung si Divino lang ang dahilan.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Noah, "maaaring may Branco na...hindi tanggap ang pagiging pinuno ni Divino dahil nga sa pinanggalingan nito at gusto nilang mapabagsak si Divino sa pamamagitan ng Aguilas o...merong Branco na galit sa Aguilas dahil sa maling akala." Ang sambit ni Noah at doon ay tumikom ang mga labi ni Marco at may isang tao na pumasok sa isipan nito na dahilan ng lahat ng kaguluhan.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon