Chapter 14

532 42 18
                                    

"Good morning," ang narinig ni Alessia na bati mula sa kaniyang likuran. Mabilis na pumihit ang kaniyang katawan para lumingon dito at bumati sa kaniya ang nakangiti na si kuya Divino.

His hair was still damp and his jaw was cleanly shaven and she could smell the fresh scent of his cologne habang naglalakad ito palapit sa kaniya.

"Good morning," ang kaniyang sagot at sinundan niya ito ng tingin habang naglalakad ito palapit sa kitchen counter kung saan siya nakatayo.

"I'm preparing breakfast," ang kaniyang sabi at saka niya ibinalik ang kaniyang atensiyon sa sandwich na kaniyang ginagawa.

"There's coffee on the carafe, let me get you-"

"No don't, ako na," ang sabi ni kuya Divino sa kaniya at kumuha ito ng mug mula sa cupboard.

"Nagkape ka na ba?" ang tanong nito sa kaniya.

"Uh yes."

"You want a refill?"

"Yes please."

"Cream and sugar?"

"Two teaspoons each." Ang kaniyang sagot at kaniyang dinala sa kitchen island ang dalawang plato na naglalaman ng dalawang sandwich na kaniyang inihanda para sa kanilang dalawa ni kuya Divino.

"Thank you," ang kaniyang sabi kay kuya Divino nang ilapag nito sa ibabaw ng kitchen island ang tinimpla nitong kape para sa kaniya.

"Wow, mukhang masarap," ang sabi sa kaniya ni kuya Divino nang sabay silang naupo sa harapan ng breakfast table at nakatingin si kuya Divino sa inihanda niyang sandwich.

"Lagi ko itong inihahanda tuwing umaga, this is my usual breakfast sandwich, bacon, tomato, and lettuce with mayo mustard dressing, I toasted the bread para may crunch, hope you'll like it," ang kaniyang magiliw na sabi.

"Basta gawa mo, alam kong masarap," ang sabi nito sa kaniya.

"Sus. Hindi ko akalain na magaling ka palang mambola kuya Divino, kaya pala marami kang babaeng nabobola," ang kaniyang biro.

Napaatras ang ulo ni kuya Divino na kumunot ang noo nito sa kaniya, "marami?" ang kunot noo nitong tanong sa kaniya saka ito kumagat sa sandwich na kaniyang ginawa magana itong ngumuya.

"Hmmm," ang sambit nito na punong-puno ang bibig.

"Talaga naman... marami yatang babae ang mga mafia boss," ang sagot niya. At siya naman ang kumagat sa kaniyang sandwich at marahan siyang ngumuya.

Mas lalong kumunot ang noo ni kuya Divino sa kaniyang sinabi at saka nito inabot ang tasa ng mainit nitong kape para humigop at saka ito nagsalita.

"Hindi ako babaero Alessia," ang mariin na sabi nito sa kaniya at nagtaas pa ito ng isang kilay.

"Uh-huh, you mean to say...virgin ka pa?"

"Pfft," ang lumabas sa bibig ni kuya Divino, "ano ka ba Alessia, alam mo na ba ang mgaganiyan na bagay?"

"Sus, hindi na ako ang eight years old na si Alessia, I am a young adult," ang giit niya rito.

"I know." Ang matipid nitong sagot at nabakas niya na seryoso ang matipid na salitang sinambit nito sa kaniya.

Malakas niyang nilinaw ang lalamunan niya, "uhm siguro, hindi na...kasi...muntik ka nang mabulunan."

"Ugh, Alessia-"

"Bakit namumula ka?"

"Change topic na tayo please," ang pakiusap ni kuya Divino sa kaniya na naging dahilan para mahina siyang matawa.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon