Muntik nang maibuga ni Divino ang kape na nasa loob ng kaniyang bibig nang marinig niya na related sila sa drugs. Though noon ay may drug involvement ang grupo sa mga panahon na iyun ay paunti-unti na nila iyung inaalis sa sirkulasyon ng kanilang grupo. Though ecstasy and cannabis ay isa pa rin sa kanilang ibinibenta sa black market para maperahan ang mga mayayaman.
But their group was into businesses now. And into investment in medicines, stocks, and recently ang gusto niya ay ang security.
Nilunok niya ang kape, "uhm, Alessia, not necessarily a mafia, uhm... just a group will be sufficed."
"What fraternity?" ang kunot noo na tanong ni Alessia sa kaniya.
"Uhm," ang kaniyang sambit at umiling ang kaniyang ulo, "just...an Italian group Alessia."
Her eyes were wide and both her eyebrows lifted, "That's why they call you signore? Isa kang leader ng Italian mafia group! Parang...sa godfather? Si Al Pacino? Isa kang godfather? But you're not old?" ang kunot noo na naman nitong sambit. At siya man ay napakunot na rin ng kaniyang noo.
"Oh yung...uhm...what was that movie na pinatay yung aso niya?" ang kunot noo na tanong ni Alessia while she was snapping her right hand fingers. At alam na ni Divino kung sino ang tinutukoy ni Alessia.
Napabuntong-hininga siya, "uhm parang ganun na nga," ang kaniyang sagot. At sa kaniyang pag-amin ay mas lalong nanlaki ang mga mata ni Alessia. Pero mabilis siyang nagsalita para itanggi ang ilan sa sinabi nito.
"Uhm Allessia, may mga transactions kami na nasa dalawang bahagi, legal and...uhm..."
"Illegal?" ang supply ni Alessia. At isang buntong-hininga na sinundan niya ng pagtango ang kaniyang isinagot kay Alessia.
"But in the black market, we only targeted the rich and illegal or...corrupt," ang kaniyang paliwanag. He was not used to justify the groups works pero sa sandaling iyun gusto niyang maintindihan ni Alessia na hindi masama ang kanilang grupo.
Alam kasi niya na iba ang moral values nito that she ended up accidentally killing her fiancé dahil nga sa ayaw nitong makipag-sex nang hindi ikinakasal.
"I won't judge you Divino, it is not my place to judge...lalo pa at sa aking nagawa..." at hindi na nito nabanggit pa ang nangyari kagabi.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. He looked at his cup bago niya ibinalik muli ang kaniyang tingin kay Alessia na tikom ang mga labi na naghihintay ng kaniyang sasabihin.
"Alessia, I am going to tell you something, Eduardo was one of us."
Nanlaki ang mga mata ni Alessia and her lips for a second slightly opened at saka ito umiling sa kaniya na tila ba hindi ito makapaniwala.
"Member ninyo si Eduardo?" ang hindi makapaniwala na tanong nito. At pagtango ang kaniyang isinagot at kaniyang ipinaliwanag kay Alessia ang lugar ni Eduardo sa kanilang grupo.
Ang grupo ng Branco di Lupi ay nagmula sa nabuwag na maharlika mula sa bansang Italya. At dahil sa nawalan na ng saysay ang kanilang pagiging dugong bughaw dahil sa pagpapalit ng Sistema ng government ang bansa ay naisipan nang mga pinuno ng mga pamilyang maharlika na gumawa ng sariling grupo na hindi lamang mamumuno sa bansang bumuwag sa kanila kundi sa buong mundo.
Kaya naman ang nabuo ang Branco di Lupi. At ito ay binubuo ng limang baitang. Siya ang pinuno ng Il Padrone na noon ay hawak ng mga Bajamonti na mula sa dugo ng mismong hari ng Italya. Ang dating duke at bunso sa limang anak na prinsipe ng hari na nagtatag ng Branco di Lupi.
Ngunit hindi hindi lamang siya ang may mataas na katungkulan dahil sa kasama niya ang Circle of Lords o ang Circolo Dei Signori na binubuo ng mga dating duke at kasama sa pagbuo ng Branco, kasama sa mga Signore ay ang dating sinisilbihan ni Divino na mga Tarantino.
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomansaDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...