Chapter 48

685 52 31
                                    

"Daniel Pelozi?" ang pag-uulit na tanong ni detective Atlas sa pangalan nito.

Tumango ang ulo ni nanay Amelita at ngumiti ito nang may matipid sa kaniya. Sandali na huminto ito sa pagsasalita para muling kumain ng segment ng prutas na kaniyang binalatan at pinaghiwahiwalay.

Para kay detective hindi iyun isang task, kahit pa gusto lamang niyang kumuha ng mga impormasyon, he found himself loving that moment. It was like he was again transported during that time na madalas silang magkuwentuhan ng kaniyang lola sa bakuran ng kanilang bahay habang nagkakape o kumakain ng prutas.

Nakaramdam nga siya nang kaunting pag-uusig ng kaniyang konsensiya dahil sa nagpapanggap lamang siya na isang writer bagkus ay gusto niyang kunin ang loob ng ina ni secretary Lorenzo para kumuha ng mga impormasyon.

Mukha namang mabuting tao ang mag-asawang Lorenzo pero bakit ganun na lang ang ugali at galit sa dibdib ni secretary Lorenzo? ang tanong niya sa sarili kahit pa alam na niya ang kasagutan sa kaniyang tanong. Iyun ay dahil sa nakatanim na ang galit sa binatang Daniel Pelozi.

"Ikaw bakit hindi ka kumakain?" ang tanong nito sa kaniya at itinuro nito ang basket ng mga prutas.

Isang ngiti ang kaniyang isinagot at tumango ang kaniyang ulo at saka siya kumuha muli ng isa pang ponkan para muling balatan at sabayan niya ito an kumain.

"Hmmm, sayang at hindi ako nakapagdala ng inumin." Ang kaniyang sambit.

"Wine?" ang nakangiting tanong nito sa kaniya at may katandaan man na ang mga mata nito he could see the naughty sparkle in her eyes.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at bahagyang inilapit niya ang kaniyang mukha para bumulong.

"Pagbalik ko magdadala ako ng wine," ang kaniyang bulong at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni nanay Amelita.

"Sa tingin ko...hindi mo na ako babalikan." ang sagot nito sa kaniya na may matipid na ngiti sa mga labi nito. At napaatras ang kaniyang mukha at dibdib at muli siyang inusig ng kaniyang konsensiya. Pero naramdaman man niya iyun ay hindi iyun totoo. Dahil balak talaga niyang bumalik sa nursing home kahit ano pa ang magiging kalalabasan ng kaniyang pag-iimbestiga.

"Hindi ka isang writer hindi ba?" ang dugtong nitong tanong nang hindi siya agad nakasagot at mas lalo siyang natameme sa sinabi nito sa kaniya.

"Masyado ka kasing halata, wala ka man lang hawak na panulat, ballpen o papel para ilista ang mga sinasabi ko, iyun ay...hindi mo na kailangan kung mayroon kang matandain na isip?" ang biro pa nito sa kaniya.

Nakaramdam siya ng pagkapahiya. He was so at ease talking to her na nawala siya sa kaniyang pagpapanggap na isa siyang writer. Mukha wala na siyang makukuha pang impormasyon kay nanay Amelita.

"Nabuko niyo po ako," ang kaniyang nahihiya na sagot, "pasensiya na po kayo nanay Amelita kung...niloko ko po kayo."

"Huwag kang mag-alala," ang nakangiting sabi nito sa kaniya and her fragile gand reached out to him to hold his hand. And he felt her gently squeezed the back of his hand.

"Kung anuman ang dahilan nang pagtatanong mo sa akin ay...hindi na sa akin importante...ang tagal na panahon na hindi niya ako dinalaw, ni hindi ko nga inakala na...sa ganitong lugar niya ako ilalagay."

Binawi nito ang kamay mula sa pagkakapatong sa kaniyang kamay at ngumiti ito ng matipid, "pumasok siya noon sa PMA at naging sundalo at...siya ay matalino," ang pagpapatuloy nito.

At tumango ang kaniyang ulo at binanggit niya kay nanay Amelita ang mga impormasyon sa internet tungkol sa achievements ni secretary Lorenzo.

"Yes, marami siyang medalya para sa kaniyang serbisyo sa bayan," ang pagsang-ayon nito sa kaniya.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon