Nanlalaki ang mga butas ng ilong ng lalaking hubad at nakagapos sa isang silid nakapiring ang mga mata nito at nanlalata itong nakaupo sa sulok ng maliit na silid sinlaki ng isang kubeta. Terrified and weak.
Ilang araw na itong nakatali sa loob ng silid nanghihina at pawisan. Walang kain at walang tubig na inumin. The smell of his own sweat, urine, and mess reaked inside the small four corners of the room.
Narinig nito ang mga yabag mula sa labas. At nabalot na muli ng kaba ang dibdib nito nang marinig nito ang pagbukas ng pinto at ang mga malalakas na yabag ng mabibigat na sapatos.
"Ugh, ang baho," ang narinig nitong sambit at nanghihina man ay naging mapanuri pa rin ang mga tenga nito. At ang boses na narinig ay pamilyar sa mga tenga nito.
"It is time, for another...victim." At doon na naramdaman ng lalaking nakagapos ang presensiya sa tabi nito. At agad na nabalot ng takot ang puso at isipan nito lalo pa at narinig na nito ang mangyayari sa kaniya.
"Ahh," ang sambit nito nang bumagsak sa mga hita nito ang mga manhid at nangangalay nitong mga braso dahil sa pagkakatali sa itaas ng ulo nito.
"Saan?" ang tanging nasambit nito. At hindi na ito nakapagsalita pa dahil na rin sa nanunuyo nitong lalamunan at pantang-pata na nitong katawan. Hinayaan na lamang nito na kaladkarin ang kaniyang hubad na katawan kung saan man ito dadalhin nang mga humuli at nagkulong dito.
Alam niya na ang kaniyang kahihinatnan. Hindi naman taliwas sa kanilang kaalaman ang mga nangyayari sa kanilang grupo. At alam na rin nito kung sino lamang sa kanilang grupo ang gagawa ng ganitong pagpatay sa kanila.
Lumabas siya kasama ng ilan sa kasamahan para magtungo sa kanilang mga casino para sa palagiang pag-check ng security kung may mga gulo bang kinakaharap ang mga ito. Ngunit nang pasakay na siya sa kaniyang motor ay doon na may nagsaklob ng tela sa kaniyang ulo at naramdaman na lang nito ang unti-unting pang-hihina. May kung ano sa telang sako na iyun na nang maamoy niya ay unti-unti siyang nanghina at nakatulog.
At iyun na nga ang sistwasyon na mayroon siya at alam niya na isa na siya sa sunod na biktima at magbubuwis ng buhay nang dahil sa paghihiganti sa kanila ng kalaban na grupo.
Naramdaman nito ang malamig na tiles sa kaniyang mga talampakan at sa hula nito ay tiles ang tinatapakan nito.
Bumuka ang mga labi nito, at isang impit na ungol ang lumabas sa mga tuyo nitong mga labi nang ihagis ito sa sahig at tumama ang balikat nito sa dingding. At saka nito narinig ang pagpihit ng gripo at ang lagaslas ng tubig.
Nasa loob siya ng banyo, ang sabi ng isipan nito. O nagdedeliryo na siya nang dahil sa pagod at gutom.
"Nasaan na?" ang narinig nitong boses at kasunod ang langitngit ng pinto na mas lalo pang bumukas at naramdaman niya ang lamig na nagmumula sa hangin.
At nanlalambot man at halos hilo na ay nakilala ng tenga nito ang pinagmulan na boses. Nakilala nito ang nagmamay-ari ng boses.
"Kailangan na nating mas...paigtingin at painitin pa ang mga yugto, lalo pa at nakikisawsaw na rin ang defense secretary, mas maraming puwersa, mas mabilis bumagsak," ang sambit nito.
Hindi siya maaring magkamali, kilala niya ang boses na iyun. At naramdaman niyang nauntog ang likod ng kaniyang ulo sa pader nang hilahin ang telang mahigpit na nakapiring sa kaniyang mga mata.
At hindi niya agad naimulat ang kaniyang mga mata dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw sa loob ng kung saan mang silid siya naroroon.
At isang tampal sa pisngi nito ang lumapat at napangiwi ang mga labi nito.
"Buksan mo mga mata mo!" ang malakas nitong utos sa lalaking bihag at biktima. At muling naringi ang malakas na sampal sa pisngi nito.
Nanlalambot man at nasisilaw ay pilit nitong itinulak ang mga talukap ng mata nito. kumurap-kurap ang mga nanghihina na nitong mga mata habang ang paghinga nito ay malalim.
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...