"Cashmere! Uno!" ang malakas na pagtawag ng isa sa mga Aguilas na sumapi kay Cashmere. Sabay na lumingon ang mag-ama para tingnan ang lalaking isa sa mga tauhan ni Maximus.
"Parating na siya," ang sabi nito.
Tumango ang ulo ni secretary Lorenzo na tinawag na muli ng mga ito na Uno. At saka nito muling ibinaling ang atensiyon sa kaniya.
"Hindi nga kami nagkamali," ang nakangising sambit ni secretary Lorenzo sa kaniya, "nabitag natin ang lider ng Branco di Lupi, now...there will be no loose ends this time na magpapa-alala sa akin ng pagtataksil ni Hawk." At saka ito lumabas ng malapad na pintuan ng warehouse na nakabukas ng mga sandaling iyun.
Kumurap-kurap ang kaniyang mga mata at itinikom niya nang pili tang kaniyang ilong. Ayaw niyang ipakita sa mga ito na nahihirapan o nanghihina na siya. She was trying her hardest na hindi mawalan ng ulirat and she was saving her last strength hindi lang para kay Divino pero para kay Cashmere. Hindi siya papayag na hindi siya ang makakapatay dito pagkatapos niyang masaksihan kung paano nito pinatay si Gerardo. At ang kanilang mga kasamahan.
Hindi agad umalis si Cashmere at tumayo ito sa kaniyang harapan at saka ito humakbang palapit sa kaniya at gamit ang bibig ng baril nito ay ipinadaan nito iyun sa kaniyang wala nang kulay na mga labi.
"I have a much better plan na alam kong masasaktan ka nang husto," ang nakangising sambit ni Cashmere sa kaniya, " I will let Divino fuck me in front of you."
She snorted, "hindi niya iyan gagawin kahit pa ipagduldulan mo ang p*ke mo sa kaniya," ang kaniyang sagot.
Isang pagsingasing din ang isinagot ni Cashmere sa kaniya, "oh I doubt na hindi siya susunod, lalo na kung...magiging kapalit ang buhay mo."
Nanlaki ang butas ng kaniyang ilong at umangil ang kaniyang ngipin at isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Cashmere nang makita nito na naapektuhan siya sa sinabi nito sa kaniya.
And it was true, pagdating kay Divino ay kayang maapektuhan nito ang kaniyang damdamin at ang kaniyang isipan.
"Then I will just have to kill myself kaysa sa pahirapan ko si Divino," ang kaniyang sarkastikong sagot. At muli siyang sinampal nito at isang ngisi lang ang isinagot niya kay Cashmere.
"I will enjoy the moment na makita ang luha sa mga mata mo habang pinapatay ng ama ko si Divino," ang mariin nitong sambit at saka ito tumalikod sa kaniya para maglakad palabas ng warehouse.
"Hayaan niyo lang na bukas ang mga pinto! Grand welcome ang isasalubong natin kay Divino, iyun ay kung...mabubuhay pa siya sa mga sasalubong sa kaniya."
"Magbabantay kayo hindi kay Divino kundi...kay Gold baka tumakas iyan." Ang huling sambit pa nito. At tuluyan nang nawala sa kaniyang paningin si Cashmere na alam niyang naghihintay lamang ang mga ito ng pagkakataon na pumasok sa loob ng warehouse si Divino para sagipin siya at doon na nila ito mako-corner.
At habang papalapit ang dalawang Aguilas na dati niyang mga kasamahan ay ipinagpatuloy niya ang paggalaw ng kaniyang mga bisig sa kaniyang likuran para mapaluwag niya ang cable wire na nakagapos sa kaniyang mga pulsuhan.
***
Binagtas nina Divino at Marco ang mabuhangin na daan papalpait sa rest house. At mukhang naubos na ang mga rider ng tauhan ni Cashmere dahil sa wala nang armadong rider na sumalubong sa kanila. At nakaconcentrate na ang mga ito sa harapan ng resthouse at naghihintay sa kanilang pagdating.
O sadyang hinayaan na siyang makalapit sila sa loob para mabitag siya ng mga ito. Hindi ba at iyun naman ang gusto nila? Pero bakit kailangan pang salubungin sila ng mga bala?
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...