Chapter 10

721 48 14
                                    

"Buongiorno Signore Divino," ang bati sa kaniya ng mas nakababatang kapatid ni Eduardo na si Sixto Vasquez at ang maaaring maging sunod na tatayong lider sa pamilya Vasquez.

Tumayo ito mula sa malambot na silyang kinauupuan nang humakbang siya papasok sa loob ng kaniyang opisina at kasunod naman niya sa kaniyang likuran si Marco. Ganun ang kaniyang dating trabaho kay Signore Bajamonti at kasunod ay kay Signore Tarantino.

"Buongiorno Sixto," ang kaniyang sagot at saka siya naglakad patungo sa likod ng kaniyang malapad na mesa para maupo sa kaniyang upuan. At katulad nang nakaugalian kailangan na mauna na muna siyang maupo bago maupo kaniyang bisita.

Naupo ito kasama ng isa sa sampung security nito at ang iba ay nasa labas ng silid para maghintay. "Grazie per avermi ospitato, signore Divino, con brevissimo preavviso," ang paghingi nito sa kaniya ng paumanhin dahil sa biglaan na pagdating nito at walang abiso.

Naupo ito sa malambot na kutson ng silyang nasa tabi ng kaniyang malapad na mesa. At pagkasagot niya ng pagtango ay sinenyasan naman niya ang isa sa mga serbidor sa loob ng kaniyang opisina na magsalin ng kape para sa kanila.

"What is the purpose of this visit Sixto?" ang kaniyang tanong habang nagsasalin ng kape ang isang serbidor sa mga tasa na nakalatag sa ibabaw ng mesa.

"Cream and sugar?" ang mahinang tanong ng serbidor kay Sixto na tumaas ang kamay para isenyas na huwag hinto nito kailangan na lagyan ang kape nito.

"Grazie," ang sabi ni Divino sa serbidor na tahimik na umatras para tumayo sa tabi.

"To answer about your query signore I came here to reach out with regards to my older brother Eduardo," ang sabi nito sa kaniya. At hindi na kinakitaan pa ng gulat o pagtatanong ang kaniyang mukha dahil sa inaasahan na niya ang itatanong nito. Ngunit, hindi niya iyun ipinahalata.

Kumunot ang kaniyang noo at saka niya dinampot ang tasa ng kaniyang kape, "what about Eduardo?" ang kaniyang kunwaring walang alam na tanong bago siya humigop ng kape.

"He is missing," ang diretso nitong sagot. At sa tanong na iyun ni Sixto ay alam ni Divino na ipagtataka ni Marco ang kaniyang isasagot.

"Kailan pa?" ang kaniyang tanong and he tried to make his voice sound unconcerned. Na tila ba hindi sila dapat agad na mangamba sa wala pang bente-kuwatro oras na pagkawala ni Eduardo.

Isinandal niya ang kaniyang likod sa backrest ng kaniyang upuan at napasilyap siya kay Marco na nakatayo sa may pintuan na kinunutan siya ng noo na tila ba nagtatanong ito sa kaniya kung bakit hindi niya nabanggit ang tungkol kagabi.

"Not that long really," ang sagot ni Sixto sa kaniya, "I mean we're used to his schedule, minsan susulpot minsan matagal na mawawala, but...he never misses a family meeting."

"You have a family meeting last night?" ang kaniyang kunot noo na tanong.

"Si," ang matipid nitong sagot, "But he told me that he was going to spend a few hours with her girl."

"Who's the girl?" ang kaniyang interisado na tanong at muli siyang napasulyap kay Marco na tila ba naguguluhan na sa kaniyang pagkukunwari na walang alam. Halos maging isa na ang dalawang kilay nito dahil sa pagkakakunot ng noo nito sa kaniya.

Mahina na natawa si Sixto at nagkibit ang mga balikat nito and he lifted his hands while he shook his head and an amused smile on his lips.

"Well I don't really know the name of the girl, o woman he just said that she has a platinum blonde hair with blue eyes and long legs that stradled his thighs," ang nakangising sagot nito sa kaniya.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon