Chapter 24

487 36 32
                                    

Pawispawisan ang hubad na katawan ng lalaking nakagapos ang mga kamay at paa. May piring ang mga mata nito at may busal naman ang mga bibig. Dalawang araw na itong nakakulong at nakagapos sa hindi nito malaman na lokasyon.

Ngalay na ang bawat kalamnan nito lalo na ang mga braso nitong nakagapos sa itaas ng ulo nito. His lips were parched from lacking of water for almost twenty-four hours. May naitatago pa naman siyang lakas ngunit ang pangangalay ang kumakalaban sa kaniyang katawan. Ngunit ang kaniyang isipan ay aktibo pa rin kahit sa magdamag na walang kain, walang tubig, at walang tulog.

He tries to listen sa ingay na kaniyang naririnig para magkaroon siya ng ideya kung nasaan siya. Ngunit walang ingay siyang naririnig o tunog na magbibigay sa kaniyang ng kaniyang kinaroroonan. Napakatahimik ng paligid maliban sa mga yabag ng sapatos at kung may boses man siyang maririnig ay impit lamang at halos hindi niya maintindihan. Ang tanging obserbasyon niya ay nasa loob siya ng isang tiled room. Dahil ramdam ng kaniyang balat nang kaniyang hubo't hubad na katawan ang malamig na tiles kung saan siya nakaupo at nakagapos.

Hindi man siya sigurado kung nasaan siya ay mayroong isang bagay naman siyang isandaang porsiyentong sigurado siyang mangyayari. Iyun na ang katapusan ng kaniyang buhay. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang pagpatay sa kanilang grupo ng grupong Branco di Lupi. At dahil sa nakatali pa ang kanilang mga kamay nang dahil sa banta ng defense secretary ay hindi pa sila makakilos agad laban sa kabilang grupo. Sinamahan pa nang nag-aalangan na aksiyon ng kanilang mga pinuno.

Matagal na namuhay ang katahimkan sa pagitan ng dalawang grupo. Ngunit nabuhay na namang muli nang may mga Aguilas na pinatay ang Branco sa pamumuno ng isang engineer Troy Leopold na sinasabi ng Branco na hindi raw nila kagrupo.

Gayunpaman, tungkulin ng bawat grupo na supilin ang anumang anay sa kani-kanilang samahan. Katulad nang ginawa ni Gold para sa kanila.

Pumihit ang kaniyang ulo nang marinig niya ang mga yabag ng sapatos na papalapit. At ilang sandali pa ay ang pagbukas ng pintuan an umalingawngaw sa tahimik na silid.

Ramdam niya ang presensiya ng mga tao sa paligid at nanatili lamang siyang tahimik at nakiramdam. Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagpihit ng gripo kasunod ang lagasgas ng tubig. At pagkatapos niyun ay isang pamilyar na boses.

"The great Maximus," ang sambit nito sa kaniyang pangalan at kasunod ang paghila nito sa piring ng kaniyang mga mata. Napapikit pa rin siya nang dahil sa pagkakasilaw. At isang malakas na sampal ang lumapat sa kaniyang pisngi.

"Dumilat ka, gusto kong nakatingin ka sa akin kapag inuukaan na kita," ang utos nito. Kumukurap-kurap man ay itinulak ni Maximus ang kaniyang mga pilik at nang mai-focus na niya ang kaniyang mga mata ay hindi nga nagkamali ang kaniyang tenga. Dahil tumambad na sa kaniyang paningin ang nagmamay-ari nito.

"Surprise?"

Ngumisi ang labi ni Maximus, "malalaman...ito...ni...Gold."

Mahinang tawa ang pinakawalan nito at saka nito pinadaan ang blade ng hawak nitong kutsilyo sa kaniyang tadyang kung saan nakatattoo ang kaniyang simbolo.

"That's the plan, ang ipakita na mas magaling ang Branco kaysa sa kaniya, at ang pahirapan at saktan siya para siya mismo ang tutugis sa Branco, sa tulong niya ay mapapabagsak ang Branco di Lupi."

Umiling ang ulo ni Maximus, "m-matalino si...Gold...hindi...hindi siya...babagsak sa mga...plano niyo."

Ngumisi ang mga labi nito, "oh but she already did."

"She's reckless and hard headed, iyun ang kailangan namin sa kaniya," ang sambit pa nito. At saka nito idiniin ang matalas na blade sa kaniyang balat at kinagat niya ang kaniyang labi para pigilan ang sumigaw. Ngunit ang hapdi at kirot ng talim ng kutsilyo ay nanuot sa kaniyang laman at ugat nang kumurba sa kaniyang balat ang talim para sundan ang nakatattoo na tatak niya bilang isang Aguilas.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon