"Let me get that for you," ang kaniyang sabi kay Alessia at kaniyang kinuha sa kamay nito ang isang overnight bag.
"Thank you," ang narinig niyang sagot nito.
"Come on, we better get moving," ang kaniyang sabi at naglakad na sila palapit sa may pintuan. Tahimik na ang loob ng kabahayan at ang mga tinawag niyang Cleaners ay nakaalis na ng bahay ni Alessia at ang kasamahan niya ay naghihintay naman sa kaniya sa labas.
Tumayo siya sa likod ng nakapinid na pintuan ngunit napansin niya na walang Alessia na nakasunod sa kaniyang tabi. At nang lumingon siya ay nakita niya si Alessia na nakatayo sa salas malapit sa bahagi ng salas at napansin niyang nakatungo ang ulo nito at tinitingnan ang sahig kung saan kanina ay nakadapa ang walang buhay na katawan ni Eduardo.
"Alessia?" ang pagtawag niya rito.
Napansin niya ang paghikbi nito and he realized that she was crying again. He heard her sniffed and sighed at saka nito tinalikuran ang bahagi ng bahay nito na nagpabagong bigla ng takbo ng buhay nito.
"Kuya...kailangan bang...umalis ako rito?" ang tanong ni Alessia sa kaniya at mababakas ang pag-aalangan sa boses at sa mga kulay abo nitong mga mata.
Napabuntong-hininga siya. Siya man ay hindi gusto ang biglaan na pagbabago sa buhay ni Alessia. Maayos na ang naging takbo ng buhay nito at lahat ng pinangarap nito sa buhay ay unti-unti na nitong nakakamit ngunit sa isang iglap ay nabago ang lahat nang dahil sa lalaking dapat ay pakakasalan nito.
"Panandalian lang ito Alessia, and I promise you hangga't hindi ko nasisigurado ang iyong seguridad," ang kaniyang sagot.
Kumunot ang noo ni Alessia, "am I going to be a fugitive?"
Mabilis na umiling ang kaniyang ulo, "no...no no."
"Pero paano ang pamilya ni Ed-"
"Alessia, ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo okey? But for now, we have to leave. Lalo na kung sinabi mong may nakita kang babaeng may ginto na buhok."
At doon niya nakita na mas lalong natakot ito, "is my life in danger?"
"I just hope not...at hindi ko pa alam kung anong pakay niya sa iyo," ang kaniyang sagot. Kahit pa may suspetsa siya na gagamitin si Alessia laban sa kaniya.
"We'll make plans about our next move kapag secure ka na sa aming manor-" ang kaniyang sabi at hinila niya ang pinto.
"Manor?" ang takang tanong ni Alessia at nauna na itong lumabas ng bahay. He turned off the main switch ng electricity at namatay ang lahat ng ilaw sa bahay. At doon na siya humakbang palabas while Alessia's question was still hanging.
"Manor?" ang pag-uulit nito sa kaniya habang nakakunot ang noo nito.
"Heto isuot mo," ang sabi ni Divino kay Alessia pagkalabas nila ng pinto ng bahay nito.
"Uhm thank you," ang sagot nito sa kaniya at saka nito kinuha mula sa kaniyang kamay ang iniabot niyang extra na helmet. And when she pulled it on her head ay bahagyang gumalawgalaw ito dahil sa lubhang mas malaki ang helmet sa ulo ni Alessia.
Napakagat siya sa kaniyang labi at nang itulak ni Alessia ang matted shield nito ay doon ito nagsalita, "I think it doesn't fit." Ang sabi nito sa kaniya na nakataas ang isang kilay.
Bahagya siyang natawa, "hayaan mo pagagawan kita ng sarili mong helmet." Ang kaniyang sagot at saka niya inayos ang strap sa leeg nito para humigpit.
"Ugh, I don't need a helmet...hindi naman ako magmomotorcycle for the rest of my life, ayoko nga magdrive ng kotse what more ang isang motorcycle?" ang reklamo nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...