Chapter 42

548 46 22
                                    

"Umaga na yata...madaling araw na hindi na gabi," ang sagot ni Rauke. At isang ngiti at pagtango ang isinagot ng lalaki sa kaniya.

Tumango ang ulo nito habang nakatikom ang mga labi at napansin niya ang iba pang kasama nito na nakatayo sa likuran ng lalaking kaharap at kausap niya.

"Anong...kailangan ninyo sa akin nang ganitong dis oras?" ang tanong ni Rauke. "At saka, kilala mo kung sino ako pero ikaw? Sino ka?"

"Mabuti nang hindi mo alam," ang sagot nito kay Rauke, "Meron kasing, nakapagsabi sa amin na nandito sa iyong bahay ang pinaghahanap namin na suspect sa pagpatay sa isa anak ng aming kasamahan," ang sagot nito sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Rauke, "kasamahan? Anong grupo ba ito?"

"Huwag ka nang magkunwari Signore Kirkland, alam namin na dati kasyong kasama sa kalaban naming grupo na Aguilas," ang sagot nito sa kaniya at seryoso na ang boses nito.

"Kailangan lang namin si Divino Romano, at ang babaeng Aguilas na si Gold, alam namin na kaibigan mo sila, dito lang sila magtatago," ang sagot nito.

Tumikom ang kaniyang mga labi at nagkiskisan ang kaniyang mga ngipin. Pero alam niya na kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang sarili lalo pa at wala silang laban sa mga ito. Kailangan niyang isipin ang kaniyang mag-iina.

"Nagpunta sila rito kanina para kumain at manghiram ng pera at iyun lang, umalis din sila." Ang sagot ni Rauke.

"Umalis sila agad dahil ayaw nila kaming madamay sa gusot na pinasok nilang dalawa," ang dugtong pa niya.

Tumango ang ulo nito, "anong oras sila...umalis?"

Kumunot ang noo ni Rauke, "hindi ko matandaan mga...alas-onse o alas-dose ng gabi."

Tiningnan siya sa kaniyang mga mata ng lalaking kaharap at sinalubong niya ang tingin na ibinigay nito sa kaniya para sabihin na nagsasabi siya ng totoo.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at saka ito tumango. Pero hindi para lisanin ang kaniyang bahay.

"Kung totoo ang sinabi mo na...nakaaalis na silang dalawa...hindi mo naman mamasamain na...tingnan namin ang loob ng bahay mo?"

Napaatras ang kaniyang ulo, "bakit kailangan niyong halughugin ang loob ng bahay ko? Sinabi ko nang wala sila rito."

"Kung talagang wala sila rito at wala kang itinatago papayag ka sa hinihiling namin," ang sabi nito sa kaniya sabay hawi nito ng suot na jacket para ipakita sa kaniya ang baril na nasa bewang nito. At alam niya kung ano ang gusto nitong ipahiwatig sa kaniya.

"May mga anak akong natutulog sa kanilang kuwarto, baka magising sila at makita kayong umiikot sa loob ng bahay namin na may hawak na baril," ang sagot ni Rauke.

Tumango ang ulo nito sa kaniya, "then you will check the kids room for me, gamit ang aking phone," ang sagot nito sa kaniya.

"Look signore Kirkland, the sooner we checked the whole house, the barns, and the perimeters of the house...at wala sila rito katulad nang sinabi mo ay aalis kami agad, wala kaming intention na saktan ang sinuman sa miyembro ng iyong pamilya basta makipagtulungan lang kayo sa amin, hindi kayo ang pakay namin tanging si Divino at Gold lang...hindi mo naman siguro ilalagay sa panganib ang pamilya mo nang dahil lang sa isang kakilala o kaibigan?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Rauke at saka siya isang beses na tumango para papasukin ang mga ito. Sumenyas muna ang lalaking kausap. Ang lima sa sampung armadong lalaki ay nanatili sa labas para galugarin ang paligid ng labas ng bahay at ang lima kasama ang kausap niya ay pumasok sa loob.

"Tre di voi controllano quest'area, mentre noi due andremo all'esterno e controlleremo la camera da letto. Inoltre non penso che resteranno in questa casa... hanno un cuore tenero con queste persone, non rimarranno qui a metterle in pericolo," ang narinig ni Rauke na pagkausap sa limang kasamahan nitong nasa loob na ng kanilang bahay. Nakita ni Rauke na tumango ang mga ulo ng kasama ng lalaking kaniyang kausap at saka naghiwalay ang mga ito. Tatlo ang naiwan sa ibaba na nagsimulang galugarin ang ibaba at dalawa na isa ang lider ng grupo ang umakyat sa itaas ng bahay.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon