Chapter 52

661 45 21
                                    

Hindi alam ni Gold kung hanggang kailan niya kakayanin na manatiling gising. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang nakasandal ang likod ng kaniyang ulo at likod sa stainless steel body ng cab. Nanghihina na siya dahil sa dugong walang hinto na dumadaloy mula sa sugat na likha ng bala na nakabaon pa rin sa kaniyang binti.

She may die soon for loss of blood or infection, but she knew na kahit sa impeksiyon man o pagkaubos ng dugo ay mamamatay siya dahil sa papatayin din siya ni Cashmere. Pero...gayunpaman hindi niya sasayangin ang buhay niya at hahayaan na mamatay si Divino.

She may sacrifice her life and the life inside her womb kung totoo man ang sinabi ni Divino na maaring nabuntis na siya nito. Pero alam niyang maiintindihan siya ng kanilang anak na hindi na lalaki pa sa kaniyang tiyan na kailangan nilang magsakripisyo para sa buhay ng ama nito.

Ang tanging pinagsisisihan lang niya ay hinayaan niyang mamayani ang galit sa kaniyang dibdib sa halip na nagpakilala siya kay Divino na siya si Alessia at nasabi niya nang mas maaga na mahal niya ito.

Ano kaya ang kaniyang magiging buhay kung noon pa man ay sinabi na niya kay Divino ang nararamdaman niya para rito?

Iminulat niya ang kaniyang mga mata at inalis ang pagkakasandal ng likod ng kaniyang ulo sa steel cab. And she wriggled her wrists trying her hardest na lumuwag ang pagkakatali sa kaniyang mga pulsuha. She may die, but she will not die not trying.

Inalis niya ang kaniyang likod mula sa pagkakasandal sa stainless steel cab at ininat niya ang kaniyang likod at kahit makirot at masakit ang kaniyang dumudugong binti ay pilit niyang iniangat ang kaniyang puwet mula sa kaniyang pagkakaupo at nakangiwi ang kaniyang mga labi sa labis na sakit at ramdam niya ang pagsirit ng dugo mula sa kaniyang binti.

She's going to lose so much blood kapag kumilos pa siya ang sabi niya sa kaniyang sarili. And she needs to stay alive hanggang sa makita niya si Divino. But she didn't want to be like this...helpless.

Kaya naman pinilit niyang lumuhod at saka niya inilusot ang kaniyang puwet sa loop nang kaniyang magkabigkis na pulsuhan at saka niya inilusot ang kaniyang puwet at saka siya naupong muli at isinunod niyang inilusot ang kaniyang mga hita, mga binti, at mga paa.

At naramdaman niya ang pagbabalik ng daloy ng natitira niyang dugo sa kaniyang mga bisig. At patigilid na bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig.

Ramdam na niya ang pangangalay at pamamanhid ng kaniyang mga braso na matagal na nakatali sa kaniyang likod. At kumakalat na rin ang kirot sa kaniyang binti na basa na ng kaniyang sariling dugo.

Sandali pa siyang nagpahinga para makakuha pa ng lakas at saka niya inilapit ang kaniyang mga pulsuhang magkabigkis ng cable tie. Mabuti na lang nang lagyan siya ng cable ties ay naisip niyang i-clenched ang kaniyang mga palad. It was as if na nanlalaban lang siya kanina but that way hindi masyadong sumikip ang pagkakatali sa kaniyang ng cable ties once she unclenched her hands.

Pero hindi ibig sabihin na matatanggal niya agad ang cable wire at makakaalpas siya agad dito. It will only give her time na mas mapaluwag pa niya ang pagkakatali sa kaniyang pulsuan. Inilapit niya ang kaniyang magkabigkis na pulsuhan and she tried to bite the cable wire and pull it with her teeth para lumuwag ito. And also she started wriggling her fists together. But she was not given enough time para gawin iyun.

Naramdaman ni Gold ang unti-unting pagbagal ng takbo ng truck at ang pagliko nito. Narating na nila ang kanilang destinasyon.

"Shit," ang kaniyang bulong. At wala na siyang nagawa pa kundi ang ibalik ang kaniyang mga braso sa kaniyang likuran. Ayaw niyang malaman ng mga ito na napapaluwag na niya ang pagkakatali ng cable wire sa kaniyang pulsuhan dahil sa baka mas lalo lang higpitan nito ng pagkakatali at wala na siyang lakas para paluwagin pa ito.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon