Chapter 1

1.5K 64 23
                                    

Napabuntong-hininga si Divino pagkalabas nito ng pintuan ng ampunan. At agad na napapikit ang kaniyang mga mata nang tumama ang liwanag ng araw sa kaniyang mga mata.

Nanibago ang kaniyang paningin mula sa malamlam na liwanag sa loob ng kumbento sa napakaliwanag at tanghaling tapat na liwanag ng araw.

hinila niya ang kaniyang shades na nakasabit sa kuwelyo ng suot niyang kulay gray na kamiseta na nakapalilalim sa kaniyang motorcycle jacket.

Isang butnong-hininga ang muli niyang pinakawalan at saka siya humakbangpababa sa steps ng kumbento na gawa sa mga bato. At kaniyang binagtas ang daan patungo sa kaniyang nakaparadang motorsiklo na nasa harapan lang ng kumbento.

pero sa halip na sumakay sa kaniyang motor, ay natuon ang kaniyang mga mata sa direksiyon ng malapad na lupain na noon ay naging palaruan nilang mga magkakaibigan. Naalala niya ang malalakas na tawanan at mga larong minsan ay nauuwi sa pisikalan. Nagkakapikunan man paminsan-minsan ay nagkakaayos naman silang lahat. Sa ampunan na iyun niya natutunan na tratuhing pamilya ang hindi niya kadugo.

At muling sumagi sa kaniyang isipan si Alessia. At mula sa palaruan ay natunton ng kaniyang mga mata ang direksyon ng mga puno na nabawasan nang dahil sa nagdaan na bagyo.

Iniwan niya ang kaniyang naghihintayb na motorsiklo at nagkaroon ng sariling buhay ang kaniyang mga paa at humakbang patungo sa direksiyon ng mga puno. At ng marating na niya ang kumpol ng mga puno ay kumunot ang kaniyang noo at isang butnong-hininga ng panghihinayang ang kaniyang pinakawalan.

Ang puno kasi na naging takbuhan noon ni Alessia at kung saan sila madalas na nag-uusap ay isa sa mga nabuwal nang nagdaan na bagyo. Humakbang pa siya palapit hanggang sa nakatayo na siya sa nabuwal na puno at kaniyang inalis ang suot niyang salamin sa mata para makita nang husto ang punong naging saksi sa kamusmusan ng batang si Alessia.

At nakita niyang muli ang nakaraan. Nang araw na nagpaalam siya kay Alessia dahil sa biglaan niyang pag-alis sa ampunan. Masakit sa kaniya ang sandali na iyun at hanggang sa mga sandaling iyun ay dama niya ang kirot sa kaniyang dibdib. Lalo pa sa tuwing maaalala niya ang lumuluhang mukha ni Alessia.

At mas lalo siyang nasasaktan dahil sa ang kaniyang mga binitiwan na pangako ay hindi niya natupad.

Muli siyang napabuntong-hininga nang maalala niya ang sinabi muli ni directress Gertrude sa kaniya na pinatanda na rin ng panahon.

nananatiling confidential ang mga mag-asawang umaampon sa mga bata sa bahay ampunan upang mabigyan ang mga ito ng proteksiyon. At para tuluyan nang matalikuran ng mga batang nasa ampunan ang stage na iyun ng kanilang buhay.

He even begged the directress pero, nagmatigas ito sa kaniya. Kahit pa isa siya sa nagpatuloy ng pagbibigay ng donasyon sa kumbento ay hindi siya nito pinagbigyan. At hindi na nga niya maalala kung ilang ulit na siyang nagpunta roon para magtanong ta mangulit at halos magmaakakawa sa impormasyon ngunit, walang ibinigay sa kaniyang ang matandang direktor.

"Nasaan ka na Alessia?" ang bulong niya sa hangin na tila ba umaasa siya na dadalhin ng hangin ang kaniyang bulong at maaabot nito si Alessia.

"Mahahanap din kita...pangako...hindi ako titigil at mahahanap din kita."

***

"Gracias," ang nakangiting sabi ni Gold sa waiter na nagsalin ng wine sa kaniyang baso. tumango ito sa kaniya at siya naman ay nagtaas ng kaniyang wine glass at saka ito tahimik na umalis at naglakad papalayo sa kaniyang mesa.

She gently sipped her wine habang nanatiling nakamasid ang kaniyang mga mata. She didn't go there para lang kumain ng dineer at magsayang ng kaniyang oras at pera. lahat ng kaniyang galaw ay kalkulado niya at naaayon sa kaniyang plano. Nagkaroon lang ng mga pagbabago nang dahil sa may mga pagkilos na mula sa kabilang grupo.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon