Ramdam ni Divino ang mga mata ng kaniyang kasamahan habang ipinapakita niya kay Alessia ang kabuuan ng manor kasama na ang pagpapakilala niya sa kaniyang mga kasamahan.
And he was not sure why was he feeling like he was guilty of something. Guilty dahil sa itinatago niya si Alessia sa kanilang grupo? Pero...hindi naman ganun ang tingin na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga kasamahan. They were after all smiling at them. They were smiling at her.
"Hello Miss Alessia," ang bati kay Alessia nang ipakilala niya ito sa mga kasamahan na nasa loob ng manor.
"Hello po," ang magalang at magiliw nitong sagot na sinamahan nito ng ngiti.
"Hindi po namin alam Signore na...may girlfriend kayong isasama dito sa manor," ang sabi nito sa kanila at naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi at ang pilit na ngiti sa kaniyang mga labi ay masakit at tila mapupunit.
"Oh no, kuya Divino is not my boyfriend," ang mabilis na sagot ni Alessia. At nang marinig niya iyun at mas lalong nag-init ang kaniyang mga pisngi.
Bakit parang pakiramdam niya ay napahiya siya sa sinabi nito? ang sabi ng kaniyang isipan.
"Uhm, tama si Alessia, para ko na siyang nakababatang kapatid, at matagal kaming hindi nagkita kaya naman dito muna siya sa akin manunuluyan," ang kaniyang sagot.
Luampad ang ngiti ng kaniyang kasamahan at isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. And it sounded like a sigh of releif.
"Buono a sapersi, per un attimo ho pensato che ti fossi dimenticato del promesso matrimonio con la signorina Carlissa Gavano."
At nang marinig niya ang sinabi nito ay nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi at tumiim ang kaniyang mga panga. Pinaalala kasi ng kasamahan sa kaniya ang pangako na kasal na naging tradition na sa grupo lalo na sa lider nito. Katulad ng mga dugong bughaw halos iisa ang dugong dumadaloy sa mga matataas ang katungkulan sa grupo. Maliban na lamang sa naging anak ni Signore Bajamonti na si Maximo Kanawayon dahil sa iba ang dugo ng ina nito.
At mas lalo na ang kaniyang dugo dahil wala siyang lahing maharlika.
Hindi siya nagsalita at tanging pagtango na lamang ang kaniyang isinagot. Sa pagkakataon na iyun ay laking pasalamat na lamang niya an hindi naintindihan ni Alessia ang kaniyang sinabi. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang ilihim pa muna rito ang pagkakasundo niyang kasal sa anak ng isa sa mga miyembro ng circulo.
Napansin niya na nakatingin sa kaniya si Alessia na nakataas ang dalawang kilay. Tila ba nagtatanong ito kung ano ang namagitan na usapan sa kanilang dalawa ng kaharap nilang kasamahan. Ngunit sa halip na magsalita ay inilapat na lamang niya ang kaniyang kaliwang palad sa likod ni Alessia at marahan niya itong itinulak papalayo para igiya ito at ipagpatuloy ang kanilang paglalakad at pagpapakita rito sa kabuuan ng manor.
"Hindi ba nakakahiya sa mga kasamahan mo na, para akong guest na binibigyan mo ng tour?" ang tanong ni Alessia sa kaniya.
"Uhm no, saka...hindi ka naman isang bisita lang Alessia-"
"Parang kapatid mo na ako." Ang dugtong ni Alessia sa kaniyang sasabihin.
"I bet they could see us, tadtad ba ng CCTV ang kabuuan ng manor?" ang tanong ni Alessia sa kaniya.
"The hallways but not all of the rooms, kailangan din naman namin na bigyan ng privacy ang bawat isa, yung...mga lugar lang na daraanan ng mga tao, main gate, the walls, main doors and backdoors."
"Ang bahay na...tinutuluyan natin?" ang tanong ni Alessia sa kaniya, "ang...weird lang kasi na...may mga matang nakatingin sa atin...sa akin, I...I am not used to this, the feeling of being watched."
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...