Hindi na alam ni Divino kung nasaan na silang lugar. Sa dami nang sinakyan at nilakad nila ni Gold sa palagay lamang niya ay nasa bandang south sila. Rizal o Laguna? Nang siya na ang maging pinuno ng Branco ay madalang na ang mga ganitong lakad sa kaniya. Kadalasan kasi ay sa ibang bansa o sa Manila lang siya naglalagi para mangasiwa ng mga assets at businesses ng grupo.
Kung wala siguro silang pinagtataguan ni Gold ay para lang silang naghahiking nito, ang sabi niya sa kaniyang sarili habang titahak nila ang daan pataas. Bitbit niya ang lahat ng kanilang pinamili at ang bag ni Gold na nauuna sa kaniyang maglakad.
Malamig na ang hangin sa kalangitan na makikita mula sa payong ng mga nagtataasan na puno ay unti-unti nang nagpapakita ang maliliit na nagkikislapang bituin.
Maybe it's six or seven in the evening, ang sabi ng kaniyang isipan. Nang maabot nila ang clearing ay tumambad sa kaniyang mga mata ang isang two storey manor. Hindi niya masabi ang kulay nito dahil sa madilim na ang paligid but he could say na malapit sa gray, white, or beige ang kulay nito.
Mayroon itong steps patungo sa deck na sinusuportahan ng mga posts ang extended roof sa harapan. It is not as grand as the Branco di Lupi manor but it is still a one beutiful and big house.
"Where are we?" ang kaniyang tanong kay Gold habang naglalakad sila palapit sa manor. Pumihit ang katawan ni Gold para humarap sa kaniya at saka nito inalis ang suot nitong mask at isang ngiti sa unang pagkakataon bilang si Gold ang iginawad nito sa kaniya.
"Bienvenida a nuestra casa solariega, El Singson Manor." ang sagot nito sa kaniya at idinipa pa nito ang mga bisig sa magkabila nitong tagiliran para ipakilala sa kaniya ang manor na pag-aari ng Singson ang pag-aari nila Alessia Singson.
Tumango ang kaniyang ulo at naglakad pa sila palapit. At nang maabot na nila ang front steps ay muli siyang nagtanong.
"So dito kayo nakatira ng daddy mo? Dito nakatira si Alessia Singson?" ang kaniyang tanong at nasa harapan na sila ng pintuan at binubuksan na iyun ni Gold.
Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan nito, "yeah." ang matipid nitong sagot at saka nito itinulak ang pinto and the creaking spund of the hinges was heard when she pushed open the door.
"Kailangan kong buhayin ang main switch, wait," ang sabi nito sa kaniya at saka ito naglakad pababa ng front steps at naglakad ito patungo sa gilid ng bahay. Pumihit ang kaniyang katawan para tingnan ang harapan ng bahay mula sa deck. Malawak ang lupain na pinalamutian ng mga naglalakihan na mga puno. And he envisioned the young Alessia playing outside the house sa may malawak na damuhan.
"Will turn on the switch?" ang sabi sa kaniya ni Gold nang bumalik na ito at naglalakad pabalik.
Kinapa niya ang switch ng ilaw na kadalasan naman ay nasa tabi ng front door. He flicked the switch at ang una pang nabuhay ay ang ilaw ng deck kaya naman muli niyang pinindot ang switch para naman sa ilaw sa loob ng bahay pero sa entryway na ilaw lang ang nagliwanag.
"Pindutin mo na lahat, ang dami kasing switch dito," ang sabi ni Gold sa kaniya at ganun naman ang kaniyang ginawa at sa bawat pagpindot niya ng switch ay isa-isang nagliwanag ang loob ng ibabang bahagi ng malaking bahay pati na ang nakasabit na chandelier.
"Oops, patayin na natin ang sa chandelier," ang sabi ni Gold and she turned off the unnecessary light sa loob ng bahay.
Humakbang pa sila papasok at narinig niyang isinara ni Gold ang pinto siya naman ay huminto sa gitna ng hall kung saan nasa kaniyang tukton ang nakasabit na chandelier na kanina lang ay nagliliwanag.
"Ang ganda ng bahay ninyo," ang kaniyang sabi.
"Salamat." Sagot ni Gold at naglakad ito patungo pa sa loob habang siya ay nakasunod dito. At natunton nila ang malaking kusina.
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...