Chapter 3

928 60 27
                                    

Getting married? Ikakasal na si Alessia? Ang tanong ng kaniyang isipan. Habang nakatitig ang kaniyang mga mata sa kisame ng kaniyang silid hanggang sa unti-unti nang manlabo ang kaniyang paningin at kumirot ang kaniyang mga mata.

Kumurap-kurap ang talukap ng kaniyang mga mata at isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At dahil sa hindi rin naman siya makatulog ay itinulak na lamang niya ang kaniyang sarili para bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga.

At saka siya naglakad palapit sa mini bar ng kaniyang silid at sinalinan niya ang isang crystal na baso ng whiskey. He didn't even bother putting ice on his drink and he took a swig of the amber colored liquid on his glass.

At nang sa isang tungaan ay naubos niya ang laman ng kaniyang baso ay muli niyang sinalinan ang kaniyang sarili ng whiskey at sa pagkakataon na iyun ay hindi niya muna ininom ang laman ng kaniyang baso.

Naglakad siya papalayo sa kaniyang mini bar at kaniyang itinulak ang sliding doors patungo ng veranda. The moment he slid open the door ay naramdaman niya ang maalinsangan na hangin.

He stepped outside the veranda with his bare feet. Tanging ang kaniyang pajama lang ang takip ng kaniyang katawan habang nakatayo siya at nakasandal ang kaniyang balakang sa marble baluster.

He took a sip at tiningnan niya ang malawak na lawn ng kaniyang tinutuluyan na bahay sa loob ng property ng Branco di Lupi.

Hindi siya tumuloy sa manor or mansion ng Branco na dating naging tirahan ni señor Dominggo. Para sa kaniya ay lubhang napakalaki ng manor para sa katulad niya kahit pa marami siyang kasama sa loob nito. At sa kabila ng kalakihan ng bahay he felt suffocated.

Maybe because there was a part of him that yearns for privacy and that he yearns for the company of someone.

Ganun siguro kapag parang may kulang sa iyong puso at dahil sa inuusig siya ng kaniyang konsensiya?

Muli siyang humigop ng whiskey at saka sinuklay ng mga daliri ng kaniyang kaliwang kamay ang kaniyang gulo-gulong buhok at muli ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga na hindi na niya matandaan kung pang-ilan na iyun mula pa nang malaman niya ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Alessia.

At first he was so ecstatic and joyful nang malaman na niya ang pangalan at apelyidong ginagamit ni Alessia. May paraan na kasi siya para mahanap ito at ang matagal na taon na ginugol niya sa paghahanap ay magkakaroon na ng bunga.

Pero nang marinig niya ang sinabi ni sister Maricel na ikakasal na si Alessia ay biglang naglaho ang tuwa na bumalot sa kaniyang dibdib at napalitan ng...nang ano? Hindi niya maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya. Pangamba? Panlulumo? Hindi niya maipaliwanag basta nabura ang excitement sa kaniyang puso at natigilan pa siya kanina sa gitna ng traffic kaya kinailangan pa siyang businahan ng sasakyan sa kaniyang likuran.

Pero bakit nga ba? Bakit niya iyun naramdaman? Maybe...because hindi niya maisip na ang walong taong gulang na Alessia ay bigla na lang niyang malalaman na ikakasal na? Ni hindi niya pa nakikilala ang lalaking mapapangasawa nito. Paano kung? masamang tao pala ang lalaking iyun? Paano niya mapoprotektahan si Alessia?

Isang walang-katapusang buntong-hininga na naman ang kaniyang pinakawalan at saka niya tinungga ang natitirang laman ng kaniyang baso. When he felt a chill on his spine. Someone is watching him.

Mabilis niyang ibinaba ang kaniyang kamay mula sa pag-inom niya ng alak. And his eyes squinted as he scanned the part of the property na may mga nagtataasan na puno at may kadiliman.

Hanggang sa tila ba may tumawag ng kaniyang mga mata sa direksiyon ng isang malaking puno. At doon nagtagal ang kaniyang mga mata sa tuktok nito.

Hanggang sa mabilis na pumihit ang kaniyang katawan at patakbo siyang pumasok sa loob ng kaniyang silid at kaniyang pinindot ang isang button na nakakonekta sa security ng manor.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon