Chapter 43

635 50 32
                                    

"Uhm... opo isa akong... Romano," ang sagot ni Divino habang nakakunot ang kaniyang noo dahil sa ngayon lang niya narinig ang isang tao na nagulat nang marinig ang kaniyang apelyido.

Nakita niyang napaatras ang ulo ni ate Josephine at saka ito lumingon sa katabi nitong asawa na si Gaston na sinalubong ang mga mata ni ate Josephine. Kung nakabuka ang mga labi ni ate Josephine ang kay Gaston naman ay nakatikom.

At mukhang napansin din ni Gold ang naging rteaksiyon ng mag-asawang nakaupo sa kanilang harapan. At sila naman ni Gold ang nagkapalitan ng tingin bago siya nagtanong.

"May...problema po ba sa apelyido ko?" ang tanong ni Divino.

"Uhm," ang sambit ni ate Josephine at saka ito yumuko sandali bago nito muling inangat ang mukha para tingnan siya na may tikom na ngiti sa mga labi nito.

Umiling ang ulo nito, "uh pamilyar lang ang...iyong apelyido...napaka-pamilyar."

"Kilala ninyo ang apelyidong Romano?" ang narinig niyang sabat na tanong ni Gold.

"Uh...pamilyar," saka ito nagbuntong-hininga, "kilala ko...kilala namin," ang sagot ni ate Jospehine at tinukoy din nito ang asawa na si Gaston.

"Sino ang mga magulang mo?" ang tanong muli ni ate Josephine.

"Angelo at Ella Romano, pero namatay sila at sa bahay ampunan na ako lumaki, kasama ko si Gold, doon kami parehong lumaki." Ang sagot ni Divino at itinuro ng kaniyang kamay si Gold na nasa kaniyang tabi. At nakita ni Divino na mas lalong kumunot ang noo ni ate Josephine at doon na umiling ang kaniyang ulo dahil sa naguguluhan na siya kung bakit ganun na lang ang pag-uusisa ng mga ito.

"May...problema po ba? Sa apelyido ko?" ang tanong niya. At narinig niya ang isang malakas na buntong-hininga na pinakawalan ni Gaston.

"Wala kami sa posisyon para sagutin ang iyong katanungan Divino, kahit pa si Josephine...ang nararapat na sumagot nang iyong katanungan ay ang inyong dating lider na si Bajamonti."

Muli silang nagkapalitan ng tingin ni Gold at saka niya tiningnan na muli si Gaston at tumango ang kaniyang ulo.


Nagtaka rin si Gold sa naging reaksiyon ng mag-asawang Kirkland na kumupkop sa kanila sa gabing iyun. Pero kung hindi handa ang mga ito na sagutin ang tanong ni Divino ay gagalangin nila ang desisyon ng mga ito. The last thing they needed was to stressed out ang mag-asawang malugod silang tinanggap.

Tumango ang ulo ni Gold, "uhm if you can't answer Divino's question baka ang tanong ko po ay maaari ninyong sagutin?" ang kaniyang tanong kay Gaston Kirkland.

"Nang magkaroon ng mutiny sa aming grupo noong panahon na iniligtas mo ako, mayroon akong natanggap na listahan ng mga traidor sa aming grupo." Ang kaniyang panimula.

"Dalawa ang listahan, ang listahan na itinakas ni Emaraude na mula kay Keira at ang listahan na ibinigay sa akin ni Cashmere...at ang nasa unahan ng listahan ng mga pangalan ay nakasulat ay ang uno.*

"At first I thought that it was just the Spanish number for one, but...now I realized that it was written with the first letter capitalized...it was a name."

"Mas nauna kayong member ng Aguilas, kaysa sa akin...mayron bang member ang Aguilas na ang pangalan ay Uno?" ang kaniyang tanong.

Tumango ang ulo Gaston, "he was the number one executioner ng Aguilas...katulad mo siya Gold, kaya siya tinawag na Uno dahil sa siya ang namumuno sa lahat ng executioner noon."

Napaatras ang ulo ni Gold at napasulyap siya kay Divino na taimtim din na nakikinig. Ang kanilang naririnig mula sa mga dating miyembro ng pareho nilang grupo na kinabibilangan ay bago sa kanilang pandinig.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon