Chapter 33

514 48 21
                                    

"Fuck this! I shouldn't be doing this!" ang sigaw ni Gold mula sa loob ng kaniyang suot na helmet. Halos lumipad ang kaniyang motorsiklo sa kalsadang puno ng motorist. Alam niyang she was exceeding the speed limit already but, she didn't give a fuck that moment ang importante ay ang maabutan niya ang polive mobile na lulan si Divino bago pa ito tuluyan na maihatid sa loob ng NBI bilang isang high profile na suspect.

Hindi niya alam kung bakit sa police isinuko si Divino but she was thankful at kay detective Atlas ito isinuko. She trusts the detective na mabibigyan ito ng patas na imbestigasyon. But she was having doubts na ligtas pa rin ang buhay nito.

At hindi na rin dapat siya nakikialam! Ang sigaw ng isipan niya. Galit siya kay Divino hindi ba? Ang paalala niya sa kaniyang sarili.

"He didn't want to see you kahit pa patay na ito, ni anino mo nga ayaw niyang makita," ang giit pa niya sa kaniyang sarili.

She saw the police mobile ahead of her. Hindi man umaalingawngaw ang sirena ng sasakyan ay kumikislap naman ang ilaw sa ibabaw ng bubong nito. And when the car makes a turn doon na niya napansin ang isang rider na nagmula sa isa sa mga alley.

Hindi naman ganun katulin ang takbo ng rider na halata namang hindi police escort. Mukhang kumukuha lamang ito ng magandang tiyempo. A red traffic light perhaps? Ang sabi niya sa sarili.

"Ugh," ang kaniyang inis na sambit at sa kaniyang sarili siya naiinis ng mga sandaling iyun. She should be on her way patungo sa Villacenco at hindi siya dapat parang baliw na nagpapatakbo at humahabol sa police mobile!

Pero sa kabila nang pagsasalita ng kaniyang isip at bibig sa kaniyang sarili ay nagpatuloy pa rin siya sa matulin na paghabol sa rider at sa police mobile.

She lowered her body closer sa katawan ng kaniyang motorsiklo para mas bumilis ang kaniyang takbo. At nang mabuntutan na niya ng rider ay lumingon ito sa kaniya. Pero dahil sa nakasuot din ito ng helmet ay hindi niya namukhaan kung sino ang bumuntot sa police mobile na lulan si Divino.

Tiningnan niya ang kaniyang side mirror sa kanan at napansin niya ang malaking truck na kasunod din lamang nito.

She swerved her motorcycle to the right and pushed the engine faster kaya naman kadikit na niya ang rider na nasa kaniyang kanan na bahagi. At nang akmang bubunot ito ng baril ay kaniyang sinipa ang tiyan nito. Bahagyang nawalan ito ng balanse pero hindi ito agad na tumumba kaya naman bago pa ito makakuha ng pagkakataon, with her booted feet ay muli niyang sinipa nang dalawang ulit ang rider hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng balanse at sumemplang ito sa kalsada at tulad nang nasa kaniyang isipan ay hindi na agad nakapagpreno ang truck at nagulungan nito ang rider na nakasunod sa police mobile na kaniya ring gustong maabutan.

Pinag-aralan niyang muli ang posisyon ng police car. Nasa kaliwang bahagi niya ito at tumatakbo ang sasakyan sa tabi ng center isle. Hangga't maaari ay iniiwasan niya na magkaroon ng casualty sa kaniyang gagawin.

She pushed her motorcycle to run faster at unti-unti na niyang nalalapitan at nadidikitan ang sasakyan hanggang sa nakita na niya si Divino na nakasakay sa backseat at si detective Atlas sa passenger side. At doon na niya binunot ang isa sa baril mula sa suot niyang chest holster na nasa loob ng kaniyang jacket. She made another hit para mas tumulin ang takbo ng kaniyang motorsiklo at bahagyang mauna siya sa sasakyan at doon na niya pinaputukan ang kanan na unahan na gulong ng police moble.

She saw them ducked inside the car before it made a sharp turn at sumampa ang harapan na bahagi nito sa center isle.

Inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa harapan ng nakabalandrang kotse at saka niya hinugot ang isa pa niyang baril sa suot niyang holster para itutok ang mga ito kay detective Atlas.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon