Chapter 17

497 42 22
                                    

"Gold," ang bati sa kaniya ni Gerardo. Nang pumasok siya sa loob ng isang silid sa isang short time motel na tagpuan nila ni Gerardo.

"Gerardo," ang kaniyang pagbanggit sa pangalan nito sabay alis ng suot niyang mask sa kaniyang bibig. At hindi niya napigilan ang gigil sa kaniyang mga ngipin. Nang matanggap niya ang tawag ni Cashmere patungkol sa isa nilang kagrupo na si Jay na pinatay na ayun sa huling salita ni Jay ay isang Branco ang may gawa.

"Alam mo na?" ang tanong nito sa kaniya.

"Oo," ang kaniyang sagot. She was always in control of her feelings. Tila nga wala na siyang pakiramdam kundi puro galit na lang sa kaniyang dibdib.

"Anong plano?" ang tanong ni Gerardo sa kaniya.

"Si Cashmere nasaan?" tanong niya at mabilis na pumihit ang kaniyang katawan para humarap kay Gerardo making her long golden hair flip in the air and on her back.

"They took care of Jay's body para mailibing ito ng maayos," ang sagot ni Gerardo.

"With whom?" ang kaniyang kunot noo na tanong.

"Kinontak niya ang grupo ni Maximus," ang sagot ni Gerardo na under sa kaniyang grupo kasama ni Cashmere.

"They will cremate Jay's body." Ang dugtong nito.

Tumango ang kaniyang ulo, "so everyone will know about this, hindi na natin maitatago pa ang mga pagpatay sa ating Aguilas."

"Anong plano mo? This will definitely rage the feelings of our comrades and will start a war again between Branco and Aguilas, Gold." Ang giit ni Gerardo sa kaniya.

"I know," ang kaniyang sagot na may pagtango ng kaniyang ulo, "but they started this Gerardo, hindi tayo ang nagsimula ng mga pagpatay kundi sila...but," ang kaniyang mariin na putol.

"Hindi rin tayo dapat basta-basta na papatay ng isang miyembro ng kalaban na grupo nang walang alam sa mga pagpatay." Ang kaniyang sagot. She maybe a cold blooded executioner but she targeted her preys. She's calculated and focused.

"Pero paano ang mga pinatay nilang kasamahan natin na walang kasalanan na ginawa sa kanila, maliban na lang sa ang kasalanan na sa tingin ng mga ito ay napabilang sila sa kalaban na grupo?"

Umiling ang kaniyang ulo, "we cannot start something na hindi na natin makokontrol. Kailangan nating isipin ang buhay ng ating mga pinagsisilbihan. Ang ating mga handlers ang mga el señores, lalo na ang lider na si señor Piedrablanca, hindi natin maaaring ibypass ang kaniyang mga desisyon, at ilagay sa panganib ang lahat."

Ramdam ni Gold ang mga mata ni Gerardo sa kaniya. Alam niya ang inisiip nito ang tungkol sa el señores kung saan isa ang kaniyang ama sa miyembro nito.

She could have been the leader of his father's clan but she chose to stay underground and be the hunter, the executioner para maipaghiganti ito. Napakatagal na panahon na ang lumipas mula nang huling nagpakita siya sa grupo nang magsimula siyang linisin ang anay sa loob. Ngunit natapos man niya ang kaniyang misyon na mailigtas si señor Piedrablanca ay tila may kulang pa rin para kay Gold. Ramdam niya na hindi pa niya napapanagot ang tunay na utak sa pagpatay sa kaniyang ama at sa ambush sa kaniya.

Kaya naman nanatili siya sa labas ng grupo. She travels a lot hanggang mula sa isang tip na nataanggap ni Cashmere na isang Branco ang may kagagawan sa kamatayan ng kaniyang ama.

Ngunit nagsisimula pa lamang sila at alaka niya na matatahimik na ang grupo nang nito lamang ay nagsimula naman ang mga pagpatay sa kaniyang mga kasamahan at mga Branco di Lupi ang may gawa kasama ng kilalang si Troy Leopold.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon