Chapter 30

532 40 52
                                    

 "She was with her father that day Divino, when...the ambush occurred, she was riding alongside the vehicle of his daddy Cabello," ang paglalahad pa ni señor Piedrablanca sa kaniya. At muling naalala ni Divino ang nangyaring ambush. Naalala niya ang rider na naka-all black ni hindi niya alam na babae o si Gold ang rider dahil nakatago ang buhok nito sa loob ng helmet.

He remembered kung paanong sumemplang ang motorsiklo nito nang nawalan ito ng balanse nang matamaan ito ng isa sa kanilang mga balang pinaulan sa convoy ng sasakyan nito. He remembered how she struggled to stand up at muling sumakay sa motorsiklo nito para makatakas ito sa kanilang pag-ambush.

"Ni hindi niya naipagluksa at nailibing ang kaniyang daddy dahil sa kailangan niyang magtago habang nagpapagaling," ang pagpapatuloy pa nito, "the death of his father changed her so much."

"Parte naan gating buhay ang malagay sa panganib...ang magkaroon ng mga pagtatangak, but never na nangyari ito na...humingi ng dispensa ang isang taong nagbanta sa isang buhay at sa isang buhay na hindi niya sinasadyang makitil...and for that...I admire you señor Divino."

"But I am not the right person you should be apologizing to," ang huling sabi nito sa kaniya.


Ramdam ni Divino ang paninikip ng kaniyang dibdib. Naalala niya ang sinabi sa kaniya ni Marco kanina lamang. Iba ang Alessia na fiancée ni Eduardo at iba rin ang Alessia na kaniyang kilala at kaniyang itinuring na kapatid at iyun ay si Gold.

Nasaan ngayon ang fiancée ni Eduardo na si Alessia? Pinatay ba nito? Pero...bakit dalawa ang Alessia Singson?

Pero ang bagay at katanungan na iyun ay balewala sa kaniyang isipan. Hindi importante sa kaniya kung ilan bang Alessia Singson ang mayroon dahil alam niya na iisa lang ang tunay na Alessia Singson. Ang Alessia Singson na inampon ni Signore Cabello Singson na kilala nila ngayon sa tawag na Gold.

And the realization hit him hard and it stung his heart dahil ginamit siya ni Alessia. Ginamit ni Gold ang pagiging Alessia nito para makalapit ito sa kaniya. Para makapasok sa kaniyang grupo.

Isang pagak na tawa ang kaniyang pinakawalan at napailing ang kaniyang ulo habang sakay siya ng kaniyang motorsiklo at binabagtas na niya ang daan patungo sa bahay ni Alessia o Gold. Ni hindi niya alam kung anong itatawag niya rito.

At habang sakay siya ng kaniyang motorsiklong parang agilang lumilipad kung kaniyang paharurutin ay muling sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang mga inilahad kay Alessia noong kinupkop niya ito sa loob ng kanilang manor. Ang mga isiniwalat niyang security ng kanilang manor. At doon niya ulit naalala ang pakiramdam na may nakatayo sa tabi ng kaniyang kama habang pinapanood siyang matulog.

"Shit." Ang kaniyang bulong. At nanlaki ang butas ng kaniyang ilong habang nakatabing sa kaniyang ulo ang kaniyang helmet. Gusto na niyang ihagis ang suot niyang helmet dahil pakiramdam niya ay malalagutan siya nang hininga dahil pasikip nang pasikip ang kaniyang dibdib sa magkakahalong emosyon na namayani sa kaniyang dibdib.

At muli niyang naalala ang sandaling inamin niya kay Alessia ang bigat na itinatago ng kaniyang dibdib. Ang hindi niya sinasadyang pagpatay sa ama nitong si signore Cabello Singson. At muling nakita ng kaniyang isipan ang pananahimik ni Alessia nang isiwalat niya ang katotohanan na kaniyang nagawang pagkakamali.

Alam na niya ang dahilan kung bakit ganun na lang ang galit nito sa kaniya at ang kagustuhan nitong maghiganti. Ang sabi ng kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay natunton na niya ang bahay ni Alessia. Ni hindi na siya sigurado kung iyun nga ang totoong bahay nito. Lahat na lang nang nalalaman niya patungkol dito ay pawang kasinungalingan na lamang. Ang nagpapatotoo na lamang na nag-e-exist nga si Alessia Singson ay ang kaniyang nalaman kanina mula kay signore Piedrablanca. Na si Alessia Singson ang walong tong batang babaeng iniwan niya sa bahay ampunan ay siya nang executioner ng Aguilas na si Gold.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon