Chapter 35

572 57 31
                                    

Pagkatapos nang nangyaring insidente sa pagtakas o pagkidnap ni Gold kay Divino ay agad siyang ipinatawag ng PNP Chief para magtungo sila sa opisina ng secretary of Department of Justice.

Alam niyang masasabon siya ng mga ito dahil sa siya ang nagsundo kay Divino sa manor nang sumuko ito sa kaniya. He will accept the blame para sa nangyari kanina sa highway at handa siyang akuin ang lahat ng parusa sa kaniya. Pero hindi siya nagpabaya dahil sa hindi inaasahan ang pagsulpot ni Gold at sino bang makakapagsabi na itatakas ng isang miyembro ng Aguilas Voladoras ang leader ng Branco di Lupi na responsible sa pagpatay ng mga miyembro ng kabilang grupo.

Nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ni Gold. May nagbanta sa buhay ni Divino habang sakay ito ng kanilang police mobile. Hindi pagtakas ang ginawa ni Gold kundi pagsagip?

"It's a good thing na walang casualties, maliban sa isang rider na sumemplang at naagasaan ng truck, dead on the spot at ang police officer na kasama mo kanina? How is he?" ang narinig ni detective Atlas na nagpabalik ng kaniyang isipan sa kasalukuyang paksa.

"He was recuperating sir, and he's out of danger," ang kaniyang sagot.

Tumango ang ulo ng DOJ secretary sa kaniya at saka nito tiningnan ang PNP Chief.

"Now, bakit sa iyo sumuko ang leader ng Branco di Lupi?" ang tanong nito sa kaniya.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Alam niyang nagkamali siya sa bahagi na iyun dahil sa hindi siya humingi ng assistance sa NBI na may hawak na ng kaso patungkol sa Branco at Aguilas at dahil sa isang high profile suspect si Divino Romano ay kinakailangan na ang NBI na ang mag-collect sa suspect.

"I know him sir," ang kaniyang sagot, we were able to speak with each other kahit noon pang una sa case ni Troy Leopold at nito lang nang mahuli namin sila sa club ng Aguilas."

"Why was he not detained then?"

"Lack of evidence sir, kaya kinailangan namin silang pakawalan, at habang kumakalap kami ng ebidensiya ay nakatanggap nga po ako ng tawag sa kaniya kaninang umaga para isuko ang kaniyang sarili sa isang homicide, and apparently from what I have learned and seen sa silid niya sa Branco manor ay napatay nito ang babaeng, fiancée niya while...having sex."

"I think he trusted me sir kaya ako ang kaniyang kinontak para isuko ang kaniyang sarili."

"He trusted you more that he trusted us?" ang tanong ng DOJ secretary sa kaniya. At ang tanong na iyun ay hindi niya sinagot.

"Why did he turned himself in? at bakit hindi siya binigyan ng proteksiyon ng kaniyang grupo?"

"Because he killed a daughter that was a member of...uhm their group someone na may katungkulan and he said na hindi siya mabibigyan ng patas na paglilitis sa loob ng kanilang grupo." Ang kaniyang sabi nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at humakbang papasok si secretary Lorenzo.

Binati nila ito at pinagmasdan niya itong sinenyasan ang DOJ secretary na huwag itong tumayo psa upuan nito para batiin ito. Ngunit nang pumasok na ito sa loob ay hindi sa lamesa ng DOJ secretary ito naglakad palapit kundi sa kaniya.

"Sir," ang kaniyang sabi nang hablutin nito ang kuwelyo ng suot niyang polo shirt at hinikit siya nito patayo.

"Lorenzo!" ang narinig niyang malakas na pagtawag ni PNP Chief sa galit na galit na si secretary Lorenzo.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nakawala ang kriminal na iyun!" ang galit nitong bulyaw sa kaniya.

"Manuel," ang mariin na pagbanggit ng PNP Chief sa pangalan nito, "detective Atlas was only doing his job and in good faith, hindi natin inaasahan ang nangyari." Ang dugtong pa nito habang hinihila nito ang kamay ni secretary Lorenzo na nakahawak sa kuwelyo ni detective Atlas.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon