Chapter 25

527 45 29
                                    

"Someone in our group are killing these people!" ang malakas na sigaw ni Divino sa mga kasama niya sa lamesa.

"Kaya nga ang ating grupo ay nakahati sa mga pangkat at pamilya para pangunahan natin ang isa't isa, I am only asking is for you to check your own group or family kung sino ang nagtatraidor sa ating grupo, alam nating lahat na wala tayong kinalaman dito, walang nag-utos sinuman sa ating samahan lalo na sa Circulo at mas lalo na sa akin na pumatay ng mga Aguilas!"

"Jesuz," ang kaniyang sambit sabay suklay ng kaniyang mga daliri sa kaniyang gulo-gulo nang buhok. Sa laki ng kanilang grupo napakahirap gumawa ng surveillance kaya nga naisipan nang noon pang mga naging leader ang pagpapangkat-pangkat para ang pinuno nang bawat pamilya at Circulo ay masubaybayan ng galaw ng bawat miyembro ng maliit na pangkat nanasasakupan ng mga ito. Ang pangkalahatan na operasyon ang kaniyang tinututukan at halos buong bansa at maging sa ibang bansa ay mayroon silang miyembro.

"Tama si Signore Divino, mayroong gumagalaw sa loob ng ating grupo na wala tayong kaalam-alam." Ang sabat na pagsang-ayon ni signore Gavano.

"Nasaan nga pala si Sixto? Ang leader ng pamilya Vasquez?" ang tanong ng isa sa mga signore ng Circulo.

"Uhm signore, wala po siya rito ngayon sa Manila bukas pa po ang balik niya," ang sagot ng emissary ng pamilya Vasquez.

"Napakaraming Aguilas ang pinatay, at kailangan na natin na maghanda ng retaliation sa kabilang grupo," ang kaniyang sagot at pumasok sa kaniyang isipan si Gold.

"We have to heighten the security hindi lang dito sa manor kundi sa lahat nang nasasakupan at pag-aari ng Branco."

"And more importantly check your members, hindi ako isang CCTV na babantayan ang bawat galaw ng miyembro ng Branco, kailangan niyo akong tulungan sa bagay na ito," ang giit niya.

"Again, you're right Signore Divino, we really can't afford another war, napakasarap mamuhay nh tahimik na ang pinoproblema lang natin ay kung paano bilangin ang bawat kita ng ating negosyo sa bawat araw." Ang pagsang-ayon sa kaniya ni signore Gavano.

"We have to watch each other's back at...ang importante ay kailangan nating maunahan sila na kumilos para mapigilan ang panibagong mga serye ng patayan, now we have two forces na gigipit sa atin, ang estado at siyempre ang Aguilas."

"Bakit sa tingin mo...ginagawa ito sa atin ngayon?" ang tanong ng isa sa mga Signore.

Tiningnan niya ito at saka siya umiwas ng tingin at saka siya sumulyap sa malaking bintana na tanaw ang mataas na pader na nakapaligid sa manor.

"Because someone in our group will never accept someone like me, an orpahan...a commoner, an outsider," at saka niiya itinuon na muli ang kaniyang mga mata sa mga pares ng mga matang nakatuon sa kaniya.

"I became the leader of Branco di Lupi." Ang mariin niyang sambit at saka niya isa-isang tiningnan ang mga mukhang nasa kaniyang harapan. At napansin niya na ang ilan sa mga ito ay umiwas ng tingin sa kaniya.

"Alam ko na...hindi kayo tiwala sa pagkakaluklok ko bilang leader ng grupong ito," ang kaniyang dugtong. "But I am not going to waste Signore Dominggo Bajamonti's trust on me, kaya naman itatawid ko ang Branco di Lupi sa pagsubok na ito."

"Huwag kang mag-alala Signore Divino, may tiwala ako sa iyo," ang sagot ni Signore Gavano sa kaniya.

"Salamat po." Ang kaniyang sagot, "kailangan na muna nating ipagpaliban ang mga naka-schedule na event sa grupo, ang meeting para sa quarterly report-"

"Even the engagement?" ang sabat ni signore Gavano sa kaniya.

Mahina siyang napabuntong-hininga, "yes signore."

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon