Chapter 16

554 44 19
                                    

Mahina ang bawat pagsagap ng hininga ni Cashmere mula sa nakatakip nitong bibig. Habang hawak ang baril at nakahandang iputok sa sandaling may kalaban na bumulaga sa kaniya.

She received a distress call, a code that was send to her at kaniyang sinundan ang location na pinagmulan ng tawag. At isang liblib na area sa labas ng metro siya dinala ng sinundan niyang call.

Mahina at maingat ang bawat hakabng na kaniyang ginawa. Wala siyang narinig na anumang inagy sa paligid ngunit may natanaw siyang liwanag sa gitna ng kakayuhan. At habang papalapit ay napagtanto ni Cashmere na ang liwanag ay nagmumula sa liwanag ng harapan na ilaw ng isang motorsiklo.

She was close at isinadal niya munang sandali ang kaniyang likod sa katawan ng puno para magmasid at makiramdam kung may mga tao sa paligid.

She could be in a trap, ang sabi ni Cashemere sa kaniyang sarili. Pero hindi niya puwedeng hindi punatahan ang distressed call ng isang kasamahan. Hindi niya nagawa pang tawagn si Gold dahil alam niya na mayroon pa itong ibang mas importanteng ginagawa sa sandali na iyun.

Ilang sandali ang lumipas. Tiniis niya ang init ng maalinsangan na hangin, ang lamok na kumakagat sa kaniyang mukha at ang mga insektong dumadapo sa kaniyang katawan para manatili siyang nakakubli sa likod ng puno habang sinisigurado niyang walang ibang tao na nasa paligid na handa siyang tambangan.

Pero alam niya na kung isa nga iyung ambush, hindi magpapakita ang kalaban hangga't hindi siya lumilitaw. Kaya naman kahit pa alam ni Cashmere ang panganib ay itinulak niya ang likod mula sa pagkakasandal sa katawan ng puno para lapitan na ang liawanag.

Dahan-dahan siyang naglakad at tinunton niya ang liwanag. Maingat at alerto ang bawat paghakbang niya at nang ilang metro na lamang ang layo niya sa tinutunton na liwanag ay doon na niya napansin na sa isang motorsiklo at ang liwanag ng ulaw ng headlight nito. At sa kung saan nakatutok ang liwanag.

Napuno ng kaba ang kaniyang dibdib at nanlumo siya sa kaniyang nakita. Hindi na naisip pa ni Cashmere ang maaaring nakaamba na panganib sa kaniya. Dahil mas inuna niya na malapitan at makita ang tinututukan ng liwanag. Ito ang kanilang kasamahan na nagpadala sa kaniya ng distressed call.

Nakatali ang mga kamay at paa nito sa katawan ng puno. Nakahubad ang pang-itaas nitong katawan at ang mas nakakagigil sa galit ay kung ano ang ginawa ng sinuman na pumatay dito sa kanan nitong tadyang.

Ang parte ng tadyang nito kung saan dapat nakaguhit ang tattoo na pabaliktad na tatsulok ay wala na sa tadyang nito kundi pinalitan ng sugat. Tila ba inukit at inalis ang tatak na nasa kanan nitong tagiliran.

Napansin niya na mahina pang gumagalaw ang dibdib nito. Kaya naman dali-dali siyang lumapit at kinapa niya ang ilalim ng leeg nito para damhin ang pulso. Hindi na niya makapa o madama ang pulso nito.

Idinikit niya ang kaniyang tenga sa dibdib nito at dinig niya ang mahinang tibok ng puso ng kasamahan. At saka niya marahan na tinampal ang pisngi ng naghihingalong ka-grupo.

"Jay," ang pagtawag ni Cashmere sa pangalan nito.

"Jay."

"Cashmere...Bra...Branco...L-Lupi."

Tumayo si Cashmere at pinagmasdan niya ang kasamahan hanggang sa malagot na ang hininga nito.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka nito binunot ang telepono sa loob ng kaniyang bulsa.

"Gold, I know I don't have to contact you...but...Jay is dead...he was killed, at binalatan ang kaniyang...tatak."

Nanatiling tahimik sa kabilang linya hanggang sa narinig niya ang matipid na tanong ni Gold.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon