Chapter 29

554 52 59
                                    

Halos hindi pumikit ang mga mata ni Gold na nakatitig sa bawat katawan ng mga Aguilas na na inilalagay nila sa kanilang crematorium. Mga kasamahan nilang mayroon ding mga pribadong buhay sa labas ng pagiging Aguilas at mayroong mga pamilya na maaaring alam o hindi alam na miyembro ng Aguilas ang mga kasamahan nilang isa-isa nilang inilalagay sa crematorium at kanilang ibibigay sa mga kamag-anakan ang mga urn.

Walang luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Ni ang kaniyang mukha ay walang emosyon na makikita. Tanging ang mga nakahilerang katawan sa kaniyang harapan ang nakikita niya nang sandali na iyun.

Those bodies were cleaned and blessed by their own chaplain bago isa-isang isinalang sa tila isang pugon na para sa mga katawan lamang ng Aguilas.

Hindi niya alam kung bakit hinayaan siya ni señor Peidrablanca na pangunahan ang grupo sa gitna ng krisis na kinakaharap nila. Hindi niya alam kung napakalaki lang ng tiwala nito sa kaniyang kakayahan o wala na itong pakialam sa kanila.

But still hindi niya sasayangin ang tiwalang ibinigay sa kaniya ni señor Liam Piedrablanca. Hindi niya sasayangin ang pagkakataon na siya ay maging isang Aguilas. At hindi niya sasayangin ang buhay ng kaniyang ama.

Napansin niya from her peripheral view na tumayo sa kaniyang tabi si Cashmere at ilang sandali pa ay sinamahan na rin sila ni Gerardo habang ang ilan sa kaniyang tauhan ang tumutulong sa pagtatabi ng mga urn para ilagay sa sasakyan at ihatid sa pamilya ng mga ito.

"Gold, we only five bodies to be cremated pagkatapos na mailagay sa urns ay ihahatid na sila sa...kani-kanilang pamilya," ang sabi ni Cashmere. And she noticed her voice broke nang dahil sa emosyon.

"Kailan Gold?" ang narinig naman niyang tanong ni Gerardo sa kaniya. At pahapyaw niya itong sinulyapan. Ito man ay diretsong nakatanaw sa malaking pugon sa kanilang harapan. But with his clenched jaw she could tell na nagpipigil ito nang labis na galit.

"Kailan?" ang patay malisya niyang tanong at isang butnong-hininga ang kaniyang pinakawalan.

"Kailan natin hahayaan na gawin nila tayong laruan? Ang isa-isa tayong patayin? We are the hunters but now? We are the ones being hunted," ang sabi ni Gerardo sa kaniya na hindi kailanman nagtanong sa kaniya o naglabas ng saloobin. He was a quiet man. He obeys without hesitations and without complains. But that moment he voiced out his frustration at halata na ang pagkainip sa boses nito.

At mukhang hindi lang si Gerardo ang nag-uumapaw ang emosyon nang sandali na iyun. Dahil ang kaninang pagpiyok ng boses ni Cashmere ay tuluyan nang kumawala ang nararamdaman nito. Kaya naman hindi na nito kaya pang pigilan ang nararamdaman nitong sakit dahil sa narinig niya ang paghikbi na pinipigilan nito kaya naman mabilis niya itong nilingon.

Umiwas man si Cashmere ng mukha sa kaniya ay hindi naman agad nito naitago ang luhang tumulo mula sa mga mata nito. cashmere lifted her hands on her face para pahirin ng likod ng kamay nito ang luhang pumatak sa sarili nitong mga mata.

"Hahayaan natin ang puwersa ng kapulisan ang kumilos at magbigay ng hustisya," ang kaniyang sagot.

"Pero hanggang kailan tayo maghihintay? Kapag naubos na tayo?" ang giit ni Gerardo sa kaniya.

"Gusto mo bang pumatay tayo ng Branco na walang kinalaman sa patayan na ito?" ang giit niya kay Gerardo.

"Pero sila...sila?" ang tanong ni Gerardo sabay turo nito sa mga walang buhay na katawan na nasa kanilang harapan.

"Sila ba ay may kasalanan? Anong ginawa nila sa Branco para mahantong sila sa ganito?" ang sumbat sa kaniya ni Gerardo.

"Tapos hahayaan na lang natin ang mga pulis na makupad pa sa pagong kung kumilos." Ang galit pa nitong dugtong.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon