Chapter 41

576 46 31
                                    

Pagkatapos silang makilala ni Canaan at sandaling patuluyin sa bahay nito kasama ang asawa na nitong si Harlow at mga anak. Matapos na makapaligo at makapagpalit ng mga damit na ipinahiram sa kanila ni Canaan at Harlow. Pagkatapos nila na makakain ay nagtungo na sila sa Kirkland para magtungo sa bahay nina Rauke kung saan naroon si Emeraude na sadya ni Gold. At dahil sa nalaman ng lahat na naroon sila, agad nagtungo ang mga dating akyat kuwarto sa bahay ni Rauke para makibalita at makita sila. At naramdaman nila ni Gold kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga ito sa kanila at ramdam din nila na handa silang protektahan ng mga ito.

"Nabalitaan nga namin ang nangyari sa Maynila at sa inyong mga grupo lalo na ang pagtakas sa iyo ni Gold, langya ikaw ang damsel in distress ngayon?" ang tanong ni Canaan sabay inom ng beer mula sa hawak nitong lata.

"At si Gold ang knight in shining armor, na naka-hoodie at shorts, saka...kulay gray pala ang kulay ng mata niya? Hindi nga namin siya nakilala akala namin teenager na babae," ang sagot ni Rauke. Sabay abot nito ng bagong lata ng malalimig na beer kay Divino na naubos na ang unang lata ng beer na kaniyang nainom.

"Magandang teenager na babae," ang mariin na sagot ni Lucas sabay kindat nito.

"Magtigil ka Lucas," ang saway ni Divino. At seryoso ang kaniyang boses nang magsalita siya. At narinig niya ang mahinang tawanan na namayani sandali sa kanila habang nakaupo sila sa harapan ng mesa at nasa ilalim sila ng malawak na kalangitan.

"Uy...territorial, sinagip ka lang kayo na?" ang pambubuska ni Carlos.

"Ugh, hindi nga raw iyun ang dahilan, kapatid nga raw...nawalang itinuring na kapatid," ang giit ni Seth na nasa Villacenco para magbakasyon kasama ang pamilya.

"Pfft, galawang Alaric, bantay salakay iyan," ang sagot ni Rauke.

"Parang ikaw hindi," ang sagot naman ni Alaric sa kapatid

"Naku...sabi ko nga malabo na mangyari iyun at hindi nga tipo ni Gold, ni hindi nga siya kilala, denied agad," ang sabat ni Canaan. At mahinang tawanan ang narinig sa paikot ng lamesa.

"Magtatagal ba kayo rito?" ang tanong ni Alaric sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo, "uhm, sa ngayon kailangan lang muna naming mag-recharge, I mean...walang-wala kami pareho dahil nga sa nagunog o sinunog ang bahay ni Gold, tapos may manhunt operation pa sa amin na dalawa."

"Welcome na welcome kayong dalawa rito sa amin sa Highlands," ang mabilis na sagot ni Rauke.

"Kahit sa amin sa Oasis at nagpasabi na rin si Presley kung kakailanganin ninyo ng abugado, sabihan niyo lang siya." Sagot ni Lucas.

"Bukas din ang Malvar ranch para sa inyo ni Gold." Ang sabat ni Carlos.

"At siyempre bukas na bukas ang aming rancho ni Harlow para sa inyo at nagpasabi na rin si Cairo at Ishmael na kung gusto ninyo nang shelter, ang Monte de Oro ranch ay bukas din para sa inyo, naroon ang dating hari nakatira na ngayon." Ang alok din ni Canaan sa kaniya.

"Ibig sabihin lang bukas ang Villacenco at handa namin kayong kupkupin at itago sa aming teritoryo," ang giit ni Alaric.

"At kung kailangan mo nang matutuluyan sa Manila, sabihan mo lang ako," ang sagot ni Seth.

"Mga motorsiklo ang kailangan namin." Ang kaniyang sagot.

"Just tell me when you need them," ang sagot nito. At isang pasasalamat ang isinagot niya sa mga ito.

"Alam niyong...sa pagkupkop niyo sa amin na...maaaring nailagay din namin ang buhay ninyo sa panganib? At humihingi na kami ng paumanhin sa inyo ni Gold ngayon pa lang...wala...wala na kasi kaming ibang mapupuntahan na puwede naming pagkatiwalaan."

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon