Chapter 49

707 51 41
                                    

"Kung galing sila ng Parokya sa Pedrosa at nakuha ang mga naiwan na gamit ni Father Cruz siguradong alam na nila ang tungkol kay Daniel Pelozi aka Uno at mas kilala ngayon na si Secretary Manuel Lorenzo." Ang sabi ni Noah kay Sixto na nasa kabilang linya.

"Imposibleng hindi nag-imbestiga ang dalawa, lalo na si Gold," ang dugtong pa nito. "Marami silang puwedeng mahingan ng tulong pagdating sa impormasyon."

"Si detective Atlas, tinulungan siya ni Gold noon nang sagipi ni Gold ang buhay niya at sa pagsolve ng case." Ang sagot ni Noah. "Pero wala na siya sa imbestigasyon hindi ba? Inalis na siya ni secretary."

"Exactly, but I doubt na hihinto ang lalaking iyun lalo na kung nakausap na ito ni Gold o ni Divino and he has a lead already, he's a detective...and investigating is second nature to him...at kahit pa ang magtago ang dalawa hindi mahihirapan sa resources ang mga ito, maraming magbibigay sa kanila," ang sagot ni Sixto.

"May balita na ba sa Aguilas? Kung nasaan na ang dalawa?" ang tanong ni Noah.

"Wala pa." sagot ni Sixto.

"Kailangan na nating gawin ang huling aksiyon natin, we have to eliminate Divino at isama na rin natin si Gold dahil babalikan tayo ng babaeng iyun." Sagot ni Noah.

"Kailangan natin silang mapaghiwalay, they will be vulnerable kapag hindi sila magkasama," sagot ni Sixto.

"Paano? Hindi na natin alam kung nasaan ang dalawa?"

"May paraan, palalabasin natin sila ng kanilang lungga." Ang sagot ni Sixto kay Noah.

"At isang tao lang ang makakakawa niyun para sa atin."

***

"Noah!" ang pagtawag ni Marco kay Noah na kanilang kaibigan ni Divino at ang taksil sa kanilang grupo. Hindi siya makapaniwala na sa loob nang mahabang panahon na nakasama nila ito ay isa pala itong anay. Mas gugustuhin pa siguro niya na makasama si Alessia na inamin sa kaniya ang nagawang pagpatay nito kaysa kay Noah na matagal na nagtago ng tunay nitong kulay.

Umaasa na lang siya na nabasa ng lalaking may apelyidomng Kirkland ang iniwan niyang papel sa loob ng isa sa mga silid ng bahay nito. At sa sandaling iyun ay naghihintay na lamang siya ng tawag.

Lumingon sa kaniya si Noah bago ito muling tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad at si Marco naman ay humabol dito.

"Noah," ang muling pagbanggit nito sa pangalan ng traidor na kaibigan.

"Ano iyun Marco?" ang tanong nito habang patuloy ito sa paglalakad na sinabayan na ni Marco sa tabi nito.

"Nahanap na ba si Divino?" ang kaniyang tanong at sinulyapan siya ni Noah saka ito nagbuntong-hininga.

"Hindi pa," ang sagot nito sa kaniya.

"Paano kaya natin siya mahahanap?" ang tanong ni Marco at doon na huminto sa paglalakad nito si Noah pata tignan siya.

"Bakit interisado ka na makita si Divino?" Ang usisa ni Noah sa kaniya habang naniningkit ang mga mata nito kay Marco na tila ba binabasa nito ang kaniyang tunay na intensiyon.

"Kanino ka ba kampi?" ang dugtong nitong pag-usisa kay Marco.

"Kaibigan ko si Divino pero isa akong Branco di Lupi," ang sagot ni Marco, "ang aking katapatan ay nasa grupo at hindi sa kung sinumang miyembro nito o maging sa liderato kahit na...kaibgan ko pa siya."

"I warned him about Alessia, ang pagkupkop niya rito, noon pa man ay tutol na ako sa ginawa niyang pagkupkop sa killer ng kasapi natin sa grupo...at ngayon? Mas malaking pagkakasala ang kaniyang ginawa sa ating grupo, pintay niya ang walang kamuwang-muwang na anak ni Signore Gavano at...kung hindi siya guilty ay hindi niya dapat isinuko ang kaniyang sarili sa kapulisan at hinayaan niyang litisin siya ng ating batas dahil sa isang Branco ang kaniyang pinatay, but...he was a coward at sa pulis siya sumuko at nakipagsabwatan pa sa Gold ng Aguilas para makatakas siya."

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon