Chapter 19

534 44 7
                                    

"I want to talk to Secretary Lorenzo please," ang sabi ni Divino sa kausap nito sa kabilang linya. Pagkatapos niyang maihatid si Alessia ay mabigat man sa kaniyang kalooban ay iniwan na niya ito na mag-isa sa sarili nitong bahay.

Kailangan naman niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aayos sa sarili niyang bahay. The call of the Secretary of National Defense was not something to be belittle dahil sa mahirap na makipaglaban sa sarili mong bayan. They were not rebels in the first place at sa lawak ng kanilang nasasakupang negosyo malaki ang investments na naipapasok nila sa bansa. But still alam niya na mayroon silang pagkukulang. At sa termino nga ni Sixto na malaki ang kaniyang pagkukulang.

Pagkatapos ng insidente na nakapatay siya sa isang ambush ng taong walang kinalaman sa mga patayan na naganap sa kanilang grupo ay naging maingat na siya sa kaniyang mga desisyon at mga pagkilos. At mukhang ang mga ligaw na miyembro ng Branco di Lupi ay sinamantala ang kaniyang pagiging maluwag at kumilos sa labas ng kaniyang kaalaman.

Maybe they saw me as a weak leader, ang sabi ng kaniyang isipan.

"Secretray Lorenzo here," ang narinig niyang boses sa kabilang linya pagkalipas ng ilang sandali nang katahimikan.

"Good afternoon, secretary Lorenzo, this is Divino Romano, the leader of...Branco di Lupi," ang kaniyang pagpapakilala.

Namayani ang sandaling katahimikan, though he could sense na nasa kabilang linya pa rin ang secretary. Pagkalipas ng ilang segundo ay narinig niya ang isang buntong-hininga.

"I thought that you are just a legend? A fantasy na sa mga mafia movies lang nagi-exist, but...here I am talking to one," ang narinig niyang sambit ni secretary Lorenzo.

"At ang lider ng grupo na dahilan kung bakit...nakahimlay ang aking nag-iisang anak sa Holy Angels Cemetery," ang mariin nitong dugtong at mababakas ang galit sa boses nito.

"I am sorry about that secretary Lorenzo, and I am sincere with my apologies and condolences, but...I have to explain our side of the story that my group has nothing to do with the unfortunate demise of your only child." Ang kaniyang sinserong sagot.

"Well...I did give you twenty-four hours to communicate with me and wala pang ilang oras ang lumipas pagkatapos ng aking press con ay nag-reach out ka sa akin," ang sagot nito sa kaniya.

"Because, like what I have said, I am sincere with my apologies at handa akong ipaliwanag ang aming side ng story patungkol sa iyong anak at sa involvement ng ilan sa aking kagrupo kay engineer Troy Leopold, kung mamarapatin po ninyo gusto ko pong personal kayo na makausap at makapagpaliwanag."

Hindi ito agad sumagot, "you are not planning on killing me right?" ang tanong nito sa kaniya, "dahil kung mayroon man inuunahan na kita, buong bansa ang makakalaban ninyo at para kayong mga daga na magtatago sa kung saang estero."

"No sir, I will come personally at ako lang po na mag-isa, sabihin niyo po kung anong location at pupunta po ako," ang kaniyang mariin at matapat na sagot.

Isang buntong-hininga ang narinig niya sa kabilang linya, "very well, bukas hindi sa aking opisina, ayoko rin naman na magkaroon pa ng kung anu-anong frenzy sa opisina ko, at ilagay sa high security ang lahat."

"Salamat po secretary," ang kaniyang sagot.

"Very well," ang sagot nito sa kaniya at ibinigay nito ang oras at location kung saan magaganap ang pag-uusap. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at hindi pa man niya nailalapag ang kaniyang telepono ay tumunog itong muli.

At napapikit ang kaniyang mga mata nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kabilang linya. Muli niyang pinindot ang kaniyang telepono at saka niya idinikit iyun sa kaniyang tenga.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon