Chapter 38

561 53 41
                                    

Nanatili lang na nakahiga si Divino sa kaniyang side ng kama. Hindi man siya sanay na matulog na may suot na kamiseta ay mas mabuti na rin ang ganun. He didn't want to be at ease that very moment.

Nakaunan ang kaniyang ulo sa kaniyang kanan na bisg habang ang kaliwa niyang bisig ay nakapatong sa kaniyang tiyan. At kahit pa lumipas na ang ilang oras mula nang matapos ang pag-uusap nila ni Gold ay hindi pa rin siya dinalaw ng antok.

Dati siyang naging security bago naging isang leader at nang sandali na iyun ay muling nanumbalik ang pagiging security niya.Hindi man siya sing galing sa training ni Gold kaya pa rin niyang protektahan ang mga taong importante sa kaniyang buhay.

Sinulyapan niya si Gold na mabagal na nagtaas-baba ang dibdib at halata na payapa na itong natutulog. Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. She took care of him, despite nang galit na nararamdaman nito sa kaniya dahil sa pagkuha niya sa ama nito ay nakuha siya nitong sagipin at alagaan.

Yes, she took care of him. Alam nito lahat ng mga gagawin, ang bagay na anwala sa kaniya nang maging pinuno siya ng Branco. Lahat ay idinadaan niya sa usapan at umasa siya sa mga security para sa kaniyang buhay.

He was not only trained in arms. Kung tutuusin ay mga basicnapaghawakngbarillang ang itinuro sa kaniya. He was trained to lead sa mga assets at businesses ng grupo. Kahit pa naging security siya noon ni Signore Tarantino ay hindi ganun kataas ang level n training niya kung ikukumpara kay Gold.

But now, kailangan niyang maging alerto na muli at maging isang bantay para naman mabantayan niya si Gold sa gabing iyun. That's the least he can do for her sa pagkakataon na iyun.

Ang bantayan ang taong importante sa kaniya at kaniyang mahal. Oo mahal niya ang mga taong pinag-aalayan niya ng kaniyang serbisyo at trabaho sa grupong Branco dahil ito ang kumumkop sa kaniya. Pero iba...iba ang pagmamahal na nadarama niya para kay Gold at iyun na ang sandali na kailangan niyang aminin sa kaniyang sarili na hindi na isang kapatid ang pagmamahal niya para rito.

Iniibig na niya ito bilang isang babae.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at saka niya itinulak ang kaniyang sarili para bumangon. Sandali siyang naupo sa kama at saka niya itinulak ang sarili para tumayo at saka siya naglakad palapit sa may bintana.

Bahagya niyang hinawi ang nakatabing na kurtina para sumilip sa labas ng bintana. His eyes roamed the dark lawn outside. Hindi na nila binuhay pa ang mga ilaw sa paligid. As much as possible they wanted to look the house to be void of people.

Muli siyang sumulyap kay Gold na nakatagilid at nakaunan ang mukha sa kanan nitong kamay. Nanatiling nahihimbing ito. Ilang minuto pa siyang tumayo sa tabi ng bintana nang maisipan niyang bumalik sa kama at magpahinga na rin. Kailangan nilang lisanin ang bahay na iyun nang maaga mamaya.

Ibinalik niya ang pagkakatabing ng kurtina at iiwan na sana niya ang bintana nang mayroon siyang narinig. His head quickly turned at muli niyang hinawi ang kurtina. Maliit lamang na siwang ang kaniyang ginawa sapat lamang para makasilip siya at hindi siya makita.

He was sure na mayroon siyang narinig mula sa labas. Sa sobrag katahimikan ay maririnig mo ang mga ingay na mula sa labas kahit pa nakasara ang mga bintana. At sa silid ni Gold ay bahagya nila itong binuksan para makapasok ang hangin sa loob.

Kumunot ang kaniyang noo at naningkit. Naglalaro lang ba ang kaniyang pandinig? ang tanong niya sa kaniyang sarili. Nagbantay siyang muli sa tabi ng bintana at pinalipas niya ang ilan pang minuto. Muli sana niyang iiwan ang bintana nang mayroon masipat ang kaniyang mga mata.

Dahil sa liwanag ng buwan ay makikita pa rin ng mga mata ang mga pagkilos sa gitna ng dilim sa labas ng bahay. He could tell na may mga anino siyang nakita. Anino o isang imahe ng tao na nakatago sa likod ng mga puno.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon