"Ibaba niyo ang inyong mga baril." Ang utos ni detective Atlas sa mga kasamahan na pulis sa presintong kinabibilangan nito. Nasa harapan kasi ng mga ito si Gold na nagtungo roon para makausap ang detective.
"Pero detective ayaw niyang isurrender ang baril niya," ang giit ng isa sa mga pulis na nakatutok sa kaniya ang baril.
Gold snorted, "sa tingin mo ba? Kung balak ko kayong patayin dito tatapak pa ako rito sa loob ng building?" ang hamon niya.
"I came here to talk to detective Carberry," ang dugtong niya. At diretso niyang tiningnan sa mga mata si detective Atlas na minsan na niyang nakasama nang resolbahin nila ang kaso ni Timothy Leopold.
"Ibaba niyo na ang inyong mga baril," ang utos nito sa mga kasamahan.
"Pero detective-"
"I trust her." Ang putol nitong sagot at tinaasan niya ng isang kilay ang pulis.
"Yung mask mo...miss...kailangan mong alisin."
"Not in your life," ang kaniyang sagot at kinunutan pa niya ito ng noo.
"Just," ang sambit ni detective Atlas at isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan nito kasabay nang pagpisil ng mga daliri nito sa sariling mga mata.
"Just let her be," ang dugtong nito at saka siya naglakad papasok at sumunod siya kay detective Atlas patungo sa personal nitong opisina.
"Have a seat," ang sabi nito sa kaniya at itinuro nito ang isa sa tatlong upuan na naroon sa masikip nitong silid.
Naupo siya sa isang silya na nasa tabi ng lamesa nito kung saan doon naupo si detective Atlas sa silyang nasa likod ng lamesa.
"Anong reason at...napadalaw ka sa aming presinto," ang tanong nito sa kaniya.
"To make an official report para s amga patayan o pagpatay sa ilang o marami sa aming miyembro," ang kaniyang sagot na ikinagulat ni detective Atlas.
Kumunot ang noo nito at umiling, "wait a minute, tama ba ang narinig ko? Ibibigay mo sa pulis ang kasong ito?"
Tumango ang kaniyang ulo, "yes, ang mga pulis na ang hahawak ng kaso patungkol sa nangyaring mga summary execution sa mga kasamahan ko sa Aguilas."
"And...mayroon ka na bang suspect?"
"Kailangan mo pa bang itanong sa akin iyan?"
"I just wanted to hear you say it," ang mariin na sagot sa kaniya ni detective Atlas.
"Branco di Lupi," ang kaniyang sagot.
Tumangu-tango ang ulo ni detective Atlas. Ngunit alam niyang naguguluhan ito ngayon sa mga nangyayari.
"I don't understand this, dati...gusto mong resolbahin ang lahat sa paraan ninyo...bakit ngayon...ibinibigay mo na sa aming mga kamay ang pagresolba ng kasong ito laban sa Branco di Lupi?"
Hindi siya agad sumagot at tiningnan lamang niya ang mga mata ni detec tive Atlas. Sandali siyang umiwas ng tingin para sulyapan ang seal ng PNP na nakasabit sa pader na nasa likod ni detective Atlas. At muling umalingawngaw sa kaniyang isipan ang sinabi ni Divino. At kung bakit sa sulok ng kaniyang puso at isipan sa kabila ng galit niyang nararamdaman para rito ay naniwala siya sa sinabi nito.
Saka siya nagbuntong-hininga at sinalubong muli ng ginto niyang mga mata ang mata ng imbestigador.
"Dahil ayokong pumatay nang taong inosente." Ang kaniyang sagot at nakita niyang kumunot pang lalo ang noo ni detective Atlas at mukhang mas lalo na itong naguluhan.
"Naguguluhan ako, kanina sabi mo na ang may gawa nito...na ang iyong suspect ay ang grupong Branco di Lupi tapos ngayon sinasabi mo na ayaw mong pumatay nang inosente? Ano ba talaga? May kasalanan ba o inosente ang Branco?"
BINABASA MO ANG
Divino Romano (complete)
RomanceDivino Romano welcomed the full responsibility of being the leader of Branco di Lupi. It was his chance to show his worth to the group that has embraced him and made him a man he is right now. But still, he cannot forget the promise he made to a you...