Chapter 51

639 47 27
                                    

"Surprise? I just...hmmm, risen from the dead," ang nakangising sambit nito, "lumayo ka kay Gerardo." Ang utos nito sa kaniya habang nakatutok ang baril ni Cashmere sa kaniya kasama ng mga kasama nitong traidor na maaaring na-brainwashed ni Cashmere.

Hindi siya agad lumayo kay Gerardo tinulungan pa muna niya itong makatayo saka niya ito isinandal sa puno.

"Sorry Gold... dahil sa akin nandito ka... ngayon sa ganitong... sitwasyon," ang bulong nito sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo, "wala kang kasalanan, mangyayari at mangyayari ang sandaling ito dahil sa...pareho tayong nalinlang ni Cashmere."

"I said move away from him! At itaas mo ang kamay mo!" ang sigaw na utos ni Cashmere sa kaniya. Hindi siya agad kumilos at nanatiling hawak niya si Gerardo at saka niya hinubad ang suot niyang jacket para itali sa bewang ni Gerardo para kahit papaano ay maibsan ang dugong dumadaloy mula sa sigat kung saan naroon ang dating marka nito bilang Aguilas.

"I said move Gold!" ang muling sigaw ni Cashmere sa kaniya. Tiningnan niya sa mga mata si Gerardo at saka siya humakbang palayo rito.

"Hands up!" ang utos ni Cashmere sa kaniya, "don't make any stupid move Gold, o matutuluyan ko patayin ang sidekick mo." Ang pagbabanta pa nito sa kaniya.

"Move away from him and raise your hands! I said raise those fucking hands!" ang galit nang sigaw ni Cashmere.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang mga kamay at saka siya nilapitan ng isa sa mga Aguilas na sumama rito. Tinitigan ni Gold ang kilalang kasamahan at nang sandaling umiwas ang mga mata nito sa kaniya ay agad niyang binunot ang kaniyang baril na may nag-iisa na lang na bala at kaniyang pinaputok iyun kay Cashmere ngunit agad naiharang ng tauhan ang katawan nito sa kaniyang pagkakaasinta kaya naman sa halip na tumama ang bala kay Cashmere ay bumaon iyun sa dibdib ng lalaking sumangga sa kaniyang bala.

Mabilis siyang lumuhod para damputin ang baril ng nakahandusay na kasamahang sumangga sa kaniyang bala. And when she snatched the gun and again pointed it to Cashmere and she pulled the trigger. Pero walang balang lumabas sa hawak niyang baril.

"Fuck you Gold!" ang sigaw ni Cashmere sa kaniya at saka nito pinaputok ang hawak nitong baril na nakatutok kay Gerardo.

"Noooooo!" ang hiyaw niya at umalingawngaw sa kaniyang tenga ang putok ng baril at pinagmasdan niya si Gerardo na napaatras pa mula sa pagkakasandal sa katawan ng puno.

She pushed herself up para tumakbo at habulin si Gerardo at ilang putok ng baril ang muling umalinawngaw at bumagsak siya sa madamong lupa. At naramdaman niya ang hapdi sa kaniyang binti.

"Fool! Why did you shoot her?!" ang sigaw ni Gold sa bumaril sa kaniya.

"Baka po makatakas," ang narinig niyang sagot nito.

"Gago ka ba? Kailangan natin siya ng buhay!" ang galit na sigaw ni Cashmere saka nito binaril ang kasamahan nitong bumaril sa kaniya at bumulagta ito sa lupa.

Pinagmasdan niya si Gerardo na napaatras hanggang sa tuluyan itong nawalan ng balanse at nahulog ang katawan nito sa dalislis.

"Gerardo! Nooo! Gerardo!" ang sigaw niya at umagos ang luha sa kaniyang mga mata.

"Akala mo ba hindi ko alam ang mga gagawin mo? Fuck you Gold, kasama kita sa matagal na panahon at basa ko na ang mga kilos mo, and now...dahil sa hindi ka sumunod...patay na ang henchman mo." ang nakangising sambit sa kaniya ni Cashmere.

"Fuck you!" ang sigaw niya kay Cashmere habang umaagos ang luha sa kaniyang mga mata.

"Oh Gold...you're crying," ang pambubuska nito sa kaniya, "your're turning weak.

Divino Romano (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon