CHAPTER 01

137 4 0
                                    

SEULGI

Dahil Summer Vacation, nag eextra akong food rider delivery para makaipon ng pera.

Napangiti ako after kong makakuha ng customer. Agad akong nagpunta sa isang sikat na fast food chain para kunin ang ededeliver ko.

Andami namang order ng babaeng yun.
Nagtataka kong tanong habang inaayos ang pagkain sa topbox ng motor ko

Naka poker face naman si Maam ng kunin na ang inorder na food.

Cassandra Irene Bae? Tanong ko

Antagal mo. Irereport kita sa company mo.

Grabe naman si Maam. Maawa ka naman sakin. Pinalungkot ko ang boses ko

Oh. Keep the change.
Agad niyang inabot ang pera

Ambait mo naman pala Maam. 1 peso, anlaking tulong na po to sakin Maam.
Wika ko

Pasalamat ka nalang may tip ka.

Salamat talaga Maam. Parang gusto kong umiyak, sobrang galante niyo po.

Bigla naman itong natawa. Hindi napanindigan ang poker face.

Ang init Seulgi ang dami mong arte. Pumasok ka na. Baka tunaw na tong sundae ko.

Andami mo na namang inorder na fast food. Wala ba sina Tito? Tanong ko habang naghuhubad ng jacket at helmet

Out of town. Business. What's new?

Kaya pala. Wala bang pagkain sa ref niyo? Anlaki laki nun. Tanong ko

Nagkicrave ako kaya wag kang pakialamera. Makikikain ka nga lang, reklamadora ka
Pa. 

Heto naman. Nagtatanong lang. Ang sungit mo. May dalaw ka ba everyday?

Ang kulit mo kasi. You're so annoying. Tawagin mo nga si Karina, antagal bumaba.

Aba at ako pa ang inutusan na tawagin ang kapatid niya. Bahay ko ba to???

Inabot ko nalang ang phone niya at tinawagan si Karina. Alam ko naman kasi ang password.

Hello bunso, baba na at malapit ng bumuga ng apoy ang ate mo.

Andiyan kana pala Ate Seul. Okay.

Tinaasan pa niya ako ng kilay.

Ano'ng silbi ng phone mo di ba?
Pang aasar ko

Inirapan niya lang ako. Sungit talaga.

Bakit ba ang tagal mo?
Tanong niya kay Karina

Naglalaro pa kasi kami nila Ryujin. Pwede naman kasing hatiran nalang sana ako di ba Ate?

Ano ba ako dito? Maid mo?

Kaya wala kang jowa Ate eh. Napaka mo.

Ano?

Napakaganda! Mo sana. Panget lang ugali. Thanks for the food! Bye Ate Seul!

Agad itong tumakbo pabalik sa loob ng bahay nila bitbit ang pagkain.

Yun lang yong kanya tapos iyo na lahat to?

Andami pa kasing naiwan na food. Spag at fries lang ang kinuha ni Karina.

Yun lang naman ang inorder niya. Hindi ko din alam kung ano'ng trip mong kainin.

Mahal mo talaga ako Cassandra noh? Madali naman akong kausap. Sige na, sinasagot na kita.

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon