CHAPTER 39

24 2 0
                                    

LISA

Parang gusto ko biglang malamon ng lupa. Bigla nalang kasing dumating sina Seul at Jennie.

Wag dito please. Sabi ko kay Jennie

Kailan pa? Tanong niya bigla

Kailan pa ang alin Jen? Masyado kang nag ooverthink. Sagot ni Rose

No, Rosé. I think we need to tell her the truth. Sagot ko

No, Lisa. Saway niya sakin

So meron nga?
Parang maiiyak na tanong nI Jennie

Rosé is my wife. Tatlong taon na kaming nagsasama sa iisang bahay.
Matapang kong wika

Ano?

What?

Sabay pa sila ni Seulgi nagreact.

You didn't know?
Baling niya kay Seulgi

Wala akong alam.

Isa ka ding sinungaling. Magsama sama kayong mga sinungaling.

Hey Jennie.
Napahabol nalang kami ng bigla siyang tumakbo

Shit!!! What the hell is going on?
Galit na din si Seulgi

Mamaya na erp. We need to follow her.
Hinila ko nalang si Seulgi sa kotse ko

Iniwan ko nalang si Rosé. Naiintindihan niya naman ako.

Tangina ka Erp. Bakit ganito naman?

Long story erp. Sorry. Pero kailangan ko munang makausap si Jennie. Reserve mo na muna ang galit mo sakin. Magpapabugbog ako sa yo, promise. But not now.

Nakarating kami sa bahay ni Seulgi dahil dun siya huminto. Mukhang dun kami mag uusap.

Nagulat pa si Yeji dahil napatakbo kami ni Seulgi papasok.

Close your door Yeji. Utos niya sa kapatid

Ah sige Ate.

Why?? Just tell me why?
Sigaw kaagad ni Jennie

Hinding hindi ko kayo mapapatawad Lisa! And you too!!!

Walang alam si Seul. Sagot ko

Liar!!!
Sinampal niya ako bigla

Walang alam? She's your bestfriend!! Do you think i'm that stupid Lisa? Three years ka ng kasal? Three years din tayo! This is Bullshit!!!

Jen.

Stop! Don't you dare touch me Seul. Sabi ko sayo kagabi huwag na huwag mong sisirain ang trust ko because i will never give you another chance. For the second time around, you broke my heart Seulgi!!! Akala ko kaibigan ka.

Wala akong alam. Kung ayaw mong maniwala sakin wala na akong magagawa. Kung galit ka, galit na galit din ako. Hindi mo lang alam kung gano ako nasasaktan ngayon Jen.

Natahimik naman ako. Bakit parang sila kasi ang nagbreak?

Liar. You're fucking liar! Kaya siguro naging magkaibigan kayo! I trusted you Lisa! I trusted you when you told me na hindi mo ako kayang saktan. Sana noon mo pa sinabi, sana noon pang hindi pa kita minahal. Bakit kailangan mo pang patagalin? I gave you everything.

Hon.
Napaiyak na ako dahil sa nakikita kong halos hindi na siya makapagsalita sa sobrang galit niya

3 years mokong pinagmumukhang tanga. I never doubted you kahit napapansin ko ng iba na ang galawan ninyo. Sana noon ko pa pala nadiskubre. And you're married? So ano ako? Ginawa mo kong kabet, hayup ka!
Galit na galit ako kay Seulgi noon, tapos ganun din pala ako? How could you do this to me?

Wala Na ba talagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon